Si Rashid ang kumakatok. Nasiyahan ako. Bahagyang nawala ang bundol ng kaba. Mabilis ko siyang pinapasok sa kabila na maaaring nakaabang na ang kanyang amang si Mayman upang ako ay dagitin. Sa nangyaring pagkabitin kanina, maaaring naghihintay lamang ng tiyempo si Mayman upang ganap akong maangkin.
Wala nang gaanong pag-uusap na nangyari sa amin ni Rashid. Alam namin pareho ang hinahanap ng aming katawan.
Wala nang marami pang kuskos-balungos. Mainit si Rashid at ako bagamat pinangingibabawan ng takot dahil sa ginawa ni Mayman, nawala agad iyon makaraang madarang sa ginawa ni Rashid. Natupok kami sa isang iglap lamang. Ang anak ay walang kasinggaling, at hindi ko alam kung ganoon din ang ama niyang hayok. Parang akong nawala sa katinuan sa pagkakataong iyon. Gusto ko pang isigaw ang pangalan ni Rashid. Rashiddd! Hayop kaaa! (Itutuloy)