Kasaysayan ni Nelia ng HK: 'Sa ngalan ng anak' (Ika-111 labas)
September 20, 2002 | 12:00am
NAAGAW ako ng antok nang makarinig ako ng mga mahihinang katok sa pinto ng aking kuwarto. Napabalikwas ako. Nang tingnan ko ang alarm clock na nakapatong sa pandak na mesa ay alas-dose ng hatiggabi. Akala koy panaginip lamang ang naririnig kong katok, totoo pala. Bumangon ako kahit na may bumubundol na kaba sa aking dibdib. Baka ang hayok na si Mayman ang kumakatok at ipagpipilitang muli ang sarili sa akin. Ngayon na itutuloy ang naunsiyaming pagpasok sa "kuweba". Nag-urung-sulong ako kung bubuksan ang pinto. Paano kung hindi ang hayok na si Mayman ang kumakatok? Paano kung si Rashid iyon? Ipinasya kong buksan ang pinto.
Si Rashid ang kumakatok. Nasiyahan ako. Bahagyang nawala ang bundol ng kaba. Mabilis ko siyang pinapasok sa kabila na maaaring nakaabang na ang kanyang amang si Mayman upang ako ay dagitin. Sa nangyaring pagkabitin kanina, maaaring naghihintay lamang ng tiyempo si Mayman upang ganap akong maangkin.
Wala nang gaanong pag-uusap na nangyari sa amin ni Rashid. Alam namin pareho ang hinahanap ng aming katawan.
Wala nang marami pang kuskos-balungos. Mainit si Rashid at ako bagamat pinangingibabawan ng takot dahil sa ginawa ni Mayman, nawala agad iyon makaraang madarang sa ginawa ni Rashid. Natupok kami sa isang iglap lamang. Ang anak ay walang kasinggaling, at hindi ko alam kung ganoon din ang ama niyang hayok. Parang akong nawala sa katinuan sa pagkakataong iyon. Gusto ko pang isigaw ang pangalan ni Rashid. Rashiddd! Hayop kaaa! (Itutuloy)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended