At para kaming mga dagang nabulabog. Ang namimintong pagpasok ng matigas na sundalo ni Saddam sa kuweba ay hindi natuloy. Lumungayngay nang marinig ang ingay ng binuksang gate. Mabilis na nakatayo ang hayok na si Mayman sa pagkakaduhapang sa akin at nahagilap ang damit at mabilis na naisuot. Akoy tulala sa pangyayari.
"Khaba-a," sabing nauutal. Magtago raw ako. Sumugod sa bintana at sumilip. Tinitiyak kung si Rashid nga iyon. Positibo.
"Mosta jel," sabi pa sa akin na may himig pagkabigo.
Mabilis akong nakapagtago sa likod ng cabinet. Pagkuway inihagis sa akin ng hayok na si Mayman ang aking t-shirt, pantalon, bra at panty. Hindi ako makakilos sa pagkabigla. Hindi ko agad naisuot ang mga damit. Kung papasok si Rashid sa kuwarto ng ama, tiyak na makikita ako.
Bago lumabas si Mayman sa kuwarto, sinabi sa akin na huwag munang lalabas. Magtago raw akong mabuti.
Hindi ako mapakali. Nang makapagbihis ay nakiramdam ako sa may pinto. Pinakinggan ko kung ano ang pinag-uusapan ng mag-ama.
Narinig ko si Rashid. Binanggit niya ang aking pangalan. Hinahanap niya ako. Gusto ko nang lumantad sa pagkakataong iyon. Narinig ko ang pagsisinungaling ni Mayman, inutusan daw ako sa pagbili ng shawarma sa shouk.
Ang ikinatakot ko, baka dumating si Mrs. Mayman at abutan ako sa kanilang kuwarto. (Itutuloy)