Kasaysayan ni Nelia ng HK: 'Laruang de susi'
September 10, 2002 | 12:00am
ANO pa ba ang iingatan kong puri gayong nakalublob na ako sa mabahong putik bunga ng pakikipagrelasyon sa kanyang anak na si Rashid? Ano pa ang aking ipagmamalaki gayong nahuli na nga niya akong kinukuha ang kanyang pera at kahit na nagsinungaling ako kanina, palagay ko ay hindi siya naniniwala na kaya dinampot ko ang pera ay para ibigay sa kanya. Ayaw lamang akong bukuhin ng gorilyang si Mayman. Kaya marahil malakas ang loob na takutin ako na isusumbong kay Mrs. Mayman. Matalino at tuso ang gorilya.
"Ta al," Lumapit daw ako sa kanya. Ang tinig ay hindi sa isang galit kundi sa isang nakikiusap.
Tumigil ako. Nararamdaman kong hindi na ako makaiiwas sa gorilya. Nararamdaman kong "makakain ng gorilya" ang mga "hinog na papaya". Baka hindi lamang ang mga papaya kundi pati na rin ang nalantakan ng kanyang anak na si Rashid.
Sa ganoong sitwasyon ay nakapag-isip pa rin ako. Kung papayag na ako sa gusto niya, baka matapos na ang problemang kinakaharap ko. Kung pagbibigyan ko, ay baka tumigil na sa kauungot at hindi na hahaba pa ang isyu.
"Taffadal ela telk al-ghorfa," sabi pa uli ng gorilya. Pumunta na raw kami sa silid niya sa itaas. Sige na raw. May pakiusap sa tinig at halos pasingaw na ang pagkakasabi.
Para akong ipinako sa pagkakatayo. Tila may pabigat ang aking mga paa na hindi na makakilos. Nang hindi ako makakilos palapit kay Mr. Mayman, siya na ang lumapit sa akin. Ang mababagal na hakbang ay nagdulot sa akin ng kakaibang takot. Ganoon pala kapag nakikita ang pagsalakay ng gorilya. Nakatatakot pala kapag hinihintay ang pagluray.
"Ta al," sabi ulit nito at itinuro sa akin ang kuwarto sa itaas. Nauna ito sa pag-akyat sa marmol na hagdan. Pinasunod ako. Ano ang magagawa ko. May iingatan pa ba akong puri? Para akong laruang de-susi na kahit anong gawin ay sinusunod.
(Itutuloy)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended