^

True Confessions

True Confession ni Nelia, isang DH sa HongKong: 'Bilib sa asikaso' (Ika-78 na labas)

- Ronnie M. Halos -
MATAPOS ang kakaibang ritwal. Naghiwalay ang mga katawang inalipin ng grabeng init. Masarap sa pakiramdam pagkatapos.

Pinulot ko ang mga damit na nakakalat sa ilalim ng kama. Muntik nang mabasa ang mga iyon ng tubig na natapon sa plangganang ginamit ko sa pagpunas kay Rashid. Kakaunti lang naman pala ang natapon. Tumagilid lang ang planggana dahil nasipa ni Rashid nang nasa kainitan ang aming paghahamok.

Nakahiga si Rashid na para bang tinibang saging dahil marahil sa pagod. Saka ko naalala na hindi dapat siya nakahubad at baka pasukin ng lamig ang katawang pinagtiyagaan kong punasan. Itinanong ko kung nasaan ang kanyang mga damit na malinis. Inginuso ang cabinet sa dakong kaliwa ng kama. Tinungo ko iyon at kumuha ng puting t-shirt at puting pajama.

Binihisan ko si Rashid. Walang pangimi nang isinuot ko ang pajama kahit na nakahiga. Ganoon ako katapat na alipin sa kanya. Nasanggi ko ang "upo" pero iyon ay tahimik na. Kalmado na sa pagkakayupyop.

Nang salatin ko ang kanyang noo ay natuwa ako sapagkat wala na siyang lagnat. Bumaba na ang temperatura ng katawan. Dahil kaya sa ritwal na naganap? Kinuha ko ang palad at idinait ko sa aking pisngi. Wala akong madamang init ng lagnat. Magaling na siya.

"Kuwais,
Nelia. Jayyeb," sabi ni Rashid at hinalikan ako sa labi.

Magaling daw ako. At idinugtong pa na mahusay akong mag-asikaso.

Iniwan ko na siya para magpahinga nang lubusan. (Itutuloy)

BINIHISAN

BUMABA

DAHIL

GANOON

INGINUSO

INIWAN

ITINANONG

ITUTULOY

MAGALING

RASHID

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with