Kinabig pa niya ang aking batok. Ang mala-higanteng kamay ay may puwersa para mapadait pa nang husto sa "nagbabagang upo". Paano ko mapahihindian si Rashid sa kanyang kagustuhan? Kahit na alam kong maaari siyang mabinat dahil sa aking ginagawa ay wala akong magawa kundi sundin siya. Hindi ko maaaring biguin ang lalaking nagbibigay ng suporta at pag-asa sa akin. Kahit na ano ang ipagawa niya sa akin kahit na may kahalayan ay gagawin ko masiyahan lamang siya. Kahit na magpakababa ako at maging asong sunud-sunuran sa kanya ay gagawin ko. Okey lang ang lahat sa akin.
Gusto nang tapusin ni Rashid ang nasimulan at ako ay lalo pang naging sunud-sunuran. Ni hindi ko maipaalala na maaaring bumalik ang kanyang sakit kung susundin ang tawag ng laman. At paano ko rin naman mapagbabawalan ang kanyang nais gayong ako mismo ay gusto rin iyon. Hindi ako nagsasawa lalo pa nga at napaka-kyut ng "upo". Pagkatapos na lasahan ay iba naman ang gusto niyang ipagawa sa kyut na upo. Sunud-sunuran na nga lamang ako sa lalaking sumusuporta at nagmamahal sa akin. Bigay-todo na. Kung iyon ang ibig niya, e di ibigay.
Sa pagkilos ko para sa ibat ibang posisyon, ay natabig ko ang palangganang may tubig na ipinangpupunas ko kay Rashid. Tumapon ang laman niyon. Subalit hindi na namin iyon inintindi. Mas mahalaga na matapos ang aming nasimulan. Maaari naman akong kumuha ng ibang tubig para ipampunas muli kay Rashid.
Saglit lamang at ang lagnat ni Rashid ay humupa. Ganoon din ang nadarama kong init sa katawan. Masarap sa pakiramdam. (Itutuloy)