True Confession ni Nelia, isang DH sa HongKong: 'Init ng disyerto'

(Ika-76 labas)
PINAGPATULOY ko ang pagpunas sa "upo" at alam kong nasisiyahan si Rashid sa aking ginagawang iyon. Marahan lamang ang ginawa kong pagpunas at iyon ang nagbigay-sigla sa lulugu-lugong "upo". Kahit pala maysakit ay hindi manhid kapag nahawakan. Parang sundalo na mabilis na sumaludo. Napangiti ako sa tapang at bilis ng sundalo na kahit may sakit ay tila gustong makipaglaban. Hindi kaya mabinat? Baka lalong lagnatin kung makikipaglaban. Kawawa naman si Rashid kung magkakaganoon sapagkat hindi na naman makapapasok sa unibersidad. Ilang araw na siyang absent.

Ako na ang nagkusang huwag nang likutin ang "upo" at baka hindi na makapagpigil. Galit na galit na ito. Pinigil ko na rin ang aking sarili. Kahit gusto kong lantakan ang "upo" ay pinigil ko. Baka humantong sa pagtatalik ang lahat at lumala ang sakit niya.

Sa halip, ipinagpatuloy ko ang pagpunas sa kanyang katawan. Punas sa mga binti at hita. Pinadaanan ko ng punas ang singit. Lumuhod ako at dumako ang pagpunas sa kanyang mga paa. Bawat kasuluk-sulukan ng mga daliri sa paa ay aking nilinis ng bimpo. Nang tumingala ako ay nakita kong nakangiti si Rashid. Ang ngiti ay may pagkapilyo at may gustong sabihin. Sa pagtingala ko ring iyon nasulyapan ang galit na galit na sundalo. Ilang dangkal lamang at maaari ko nang abutin. Ang init ng disyerto ay dumadarang na sa aking katawan. Para akong nilalagnat.

Pinaluhod ako ni Rashid sa harap niya. Eksakto sa tapat ng "upo". Kumapit si Rashid sa aking batok at nadiit ang aking mukha sa "upo". Paano ko maiiwasan ang kyut na "upo"? Nadama ko ang init nang lasahan ang "upo". Nilalagnat pa nga si Rashid. Mataas pa. Damang-dama ko. (Itutuloy)

Show comments