Nakatingin sa akin si Rashid nang tanggalin ko ang butones ng kanyang pang-itaas na puting damit. Parang nahihiya sa aking gagawin. Natanggal ko lahat ang butones at pinunasan ko ang balikat. Ipinaloob ko pa at naabot ang likod. Marahan lamang ang pagpunas ko. Walang kakibu-kibo si Rashid na para bang dinadama ang bawat hagod ng bimpo sa likod.
Itinubog ko uli ang bimpo sa tubig at piniga. Ang tagiliran naman niya ang aking pinunasan. Pumaitaas at ang kilikili naman niya ang aking hinagod. Napangiti nang dumampi sa kilikili niya ang bimpo. Nakiliti marahil sa pagpunas ko. Lumipat ako sa kabilang kilikili at mas malakas pala ang kiliti roon. Pinagtagal ko sa kilikili ang bimpo. Sa pagkaalam ko dapat ay ang mga bahaging nakatago ang punasan upang sumingaw ang init ng katawan.
Pagkatapos sa kilikili ay ang mga braso naman ang isinunod ko. Nakatingin sa akin si Rashid na para bang nagpapasalamat sa ginagawa ko. Tinanong ko siya kung ginagawa iyon sa kanya ng waledah niya. Hindi raw.
"Hal maradh mosri?" tanong nito sa akin. Kung malubha raw ba ang sakit niya.
Napailing ako. Hindi naman.
"La, lais khatiran," sabi ko pa makumbinsi siya na magpapunas pa sa buong katawan.
Pinalitan ko ang tubig upang ang ibabang bahagi ng katawan naman niya ang punasan ko. (Itutuloy)