Kasaysayan ni Nelia ng HK: 'Inasikaso nang todo'

(Ika-73 labas)
(Ang kasaysayang ito ay nangyari sa Riyadh, Saudi Arabia. - Editor)

NAKAHIGA si Rashid at bahagyang nagulat nang makita akong nakasilip sa pinto ng kanyang silid. Binati ko. Sumagot naman at ngumiti. Sinenyasan akong pumasok.

"Er, keb,"
sabi at nahalata kong mahina nga ang katawan dahil halos pabulong lang ang pagkakasabi. Mabilis akong pumasok. Hindi ko inaalala na baka matiklo kami ng kanyang waled at waledah. Siguro’y may isang oras nang nakaaalis sina Mr. at Mrs. Mayman. Hindi naman siguro sila babalik. Bahala na.

Isinara ko nang marahan ang pinto at lumapit sa kama ni Rashid. Ilang beses na rin akong nakapasok sa kuwarto at nagtalik na rin kami roon. Hindi ko na matandaan kung ilang ulit nagsawa si Rashid sa aking katawan sa ibabaw ng malambot na kama.

Umupo ako sa gilid ng kama. Dinama ko ang kanang palad. Mainit. May lagnat pa. Idinako ko ang palad sa kanyang noo. Mainit nga. Sinabi kong may lagnat siya. Tumango. Tinanong ko kung mayroon na siyang iniinom na gamot para sa lagnat. Meron na raw. Pabalik-balik daw ang kanyang lagnat. Napailing-iling ito pagkatapos. Gusto na raw niyang gumaling sapagkat may schedule silang laro ng football sa unibersidad.

Naawa ako kay Rashid. Bakit hindi siya intindihin ng kanyang waledah? Pinababayaan kahit may sakit.

Sinabi ko kay Rashid na huwag siyang mag-aalala at ako ang mag-aalaga sa kanya. Noon di’y kumuha ako ng maligamgam na tubig at pinunasan siya para gumaan ang pakiramdam. Noong una ay ayaw ni Rashid na magpapunas sa katawan subalit napilit ko rin.(Itutuloy)

Show comments