Dakong alas-dos ng madaling araw may mga yabag akong narinig sa labas ng aking kuwarto. Sa ganoon kalalim na gabi ay sino pa ang gising maliban sa akin. Baka si Mrs. Mayman at gusto pang dagdagan ang mga masasakit na salitang "ipinakain" sa akin. Ganoon daw ang mga babaing Saudi, hindi makuntento kahit na nakasakit na ng kapwa. Pero kung si Mrs. Mayman ang nasa labas ng aking kuwarto ay bakit pa siya magdadahan-dahan. Dapat ay kakalabugin niya ang pinto para ipaalam na galit pa siya.
Ang mga yabag sa labas ng kuwarto ay tumigil. Para bang nag-iisip kung ano ang gagawin. May dalawang segundo rin marahil ang nakaraan bago ako nakarinig nang mahihinang katok sa pinto. Kinabahan ako at hindi malaman ang gagawin. Hindi ko alam kung bubuksan ko ang pinto.
Narinig ko pa ang katok at nagpasya akong lumapit sa pinto para buksan iyon. Iniawang ko lamang nang bahagya ang pinto at sinilip kung sino ang nasa labas. Madilim sa labas at wala akong maaninag. Hanggang sa makarinig ako ng boses.
"Ana Rashid," sabing mahina. Si Rashid daw siya.
"Le maza?" tanong ko.
Pinabuksan sa akin ang pinto. Ang dibdib koy parang tinatambol. Nakapasok si Rashid sa may gilid ng pinto. Nakangiti sa akin. Nakasulyap sa malulusog kong dibdib na walang bra.
"Er keb. Ghaliqq el-bab be hodo," sabi ko sa kanya. Isara na niya ang pinto nang marahan at pumasok na siya nang tuluyan sa loob. Baka may makakita pa. (Itutuloy)