Hindi na naman umimik si Rashid sa aking tanong kung mayroon siyang fulos (pera). Ang pagtatanong kong iyon ay gusto ko lamang ipabatid na nasa akin ang perang naiwan niya sa kuwarto. Gusto kong malaman kung bakit hindi niya iyon kinukuha. Naiintriga ako kung ano ang gusto niyang ipahiwatig at hindi kinukuha sa akin ang 500 riyals.
Tinampal ko sa braso si Rashid nang hindi iniintindi ang aking tanong. Napapitlag ito. Nawala sa konsentrasyon sa ginagawa. Napahalakhak ako. Parang mauubusan kasi sa pagkain si Rashid. Ibig ay dalas-dalas. Tinuruan ko siyang huwag magpadalus-dalos. Dahan-dahan lang sa pagkain. Sinabi kong para huwag siyang magsawa ay kailangang dahan-dahan.
"Suwai, suwai," sabi ko kay Rashid. At napahalakhak ako. Nakuha niya ang ibig kong sabihin.
Natapos ang ritwal. Kung mas masaya si Rashid sa pangyayari, mas masaya ako. Natighaw ang aking uhaw. At hindi ko inaasahan ang sasabihin ni Rashid tungkol sa perang naiwan sa aking kuwarto.
Sa akin na raw iyon! Sa tuwa koy hinalikan ko muli siya sa labi. At pagkaraan lamang ng isang oras ay nagsalo muli kami sa ligaya. Eksaktong natapos ang ikalawang sesyon ay dumating ang kanyang waled at waledah.
(Itutuloy)