True Confession ni Nelia, isang DH sa Hong Kong: 'Nadilig ang disyerto'
July 12, 2002 | 12:00am
Madaling turuan si Rashid. Kung ano ang aking iutos ay ginagawa. Hindi marunong tumutol ang alipin sa kanyang amo. Sa pagkakataong iyon ay nagawa ko siyang mas mababa pa sa alipin. Hawak ko ang lahat-lahat. Maaari kong itigil kung iibigin ko ang paglalaban. Nasa akin ang alas. Kayang-kaya ko.
At aywan ko kung bakit sa gitna ng paghahamok ay biglang sumilid sa aking isipan ang perang naiwan niya sa aking kama. Limandaang riyals iyon na magmula nang magsolo kami sa aking kuwarto ay hindi niya inungkat sa akin.
"Fi fulos, Rashid?" tanong ko at hinalikan ko ang balahibuhing dibdib.
Hindi umimik. Ipinagpatuloy ang ginagawa. Gusto kong tumawa sa pagkakataong iyon. Hindi mahalaga sa kanya ang pera. Ang kailangan niyay abentura. Kailangan niyang matuto.
At naisip ko, baka nga ibibigay na niya sa akin ang perang iyon kapalit ng pagtuturo ko sa kanya. Maaari. Inisip ko na kung ano ang bibilhin sa perang iyon. Magandang alahas na ang mabibili niyon.(Itutuloy)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended