"Tafaddal ela telk al-ghorfa," sabi pa na namumungay pa ang mga mata na para bang inaantok.
"Le maza?" tanong ko.
Wala naman daw. Basta gusto lang niya. Pumiksi ako. Sinabi kong marumi ang aking silid. Ipinaliwanag kong hindi pa ako nakapaglilinis sapagkat marami pa akong trabaho.
Kahit na raw. Gusto niyang makita kung ano ang itsura ng aking ghorfa (silid). Naisip ko, siguroy hindi pa nakikita ni Rashid ang kuwartong iyon. Kahit na nagkaroon na sila ng Pinay maid, baka hindi siya nagkaroon ng interes noon. Ngayon lamang siguro. Takang-taka ako kung bakit biglang naisip na makita ang silid. Kagagaling lamang noon ni Rashid sa unibersidad at sa tantiya ko ay hindi nagtuloy sa kanyang silid sa itaas na tulad ng kinagawian kapag dumarating. Ako ay abala sa paglilinis sa kitchen nang dumating siya.
Wala akong magawa sa kahilingan ng binatilyo. Pero bago ako pumayag ay sinabi kong lilinisin ko muna.
"Mafi kuwais ghorfa," sabi ko. Pumayag naman ang kumag.
Mabilis kong nilinis ang kuwarto at nang inaakala kong malinis na ay tinawag ko si Rashid. Takang taka pa rin ako sa naisip ng aking amo.
"Kuwais ghorfa. Modia," sabi nito nang makapasok. Magan- da naman daw ang kuwarto. Maaliwalas. Parang hangang-hanga. Naupo ito sa kama ko. (Itutuloy)