HINDI makatkat sa aking isipan ang pangyayari. Mas matindi ang balik sa alaala. Mas malinaw lalo na kung kaharap si Rashid at nakikipag-usap sa akin. Hindi ako makatingin ng tuwid sa kanya. Nang tumagal ay napansin kong balewala na kay Rashid ang pangyayari. Nagbalik nang tuluyan sa normal ang aming masayang pagkukuwentuhan, subalit sa akin ay hindi pa ganap. Tumatagal ay lalo pang nagpapahirap ang sa akin ang nasaksihan sa kanya sa comfort room. Gusto kong sisihin ang aking sarili kung bakit nga nakita pa ang "nilalaro" ni Rashid. Mahirap para sa akin ang pangyayari at madalas sa gabi ay naaalala ko iyon. Masyadong pabigat sapagkat matatagpuan ko ang aking sarili na alipin ng pagnanasa. Ang lamig sa Saudi Arabia lalo sa gabi ay nagdudulot ng hindi ko maipaliwanag na uhaw. Malamig subalit akoy nauuhaw! Hindi naman kayang tighawin ng shay o tubig ang kauhawang iyon. Ibang klaseng pagkauhaw bunga nga ng hindi malimutang tanawin sa comfort room.
Si Rashid ay nasa kasibulan at nasa mga unang hakbang ng pagbibinata. Lahat ay sinusubukan. Naisip ko na hindi magtatagal at maghahanap na rin ito ng mamahaling babae at pakakasalan. Mga ilang taon pa at sa isang Araba rin babagsak ang kanyang kaguwapuhan. Ano kaya ang mangyayari sa akin sa sandaling dumating ang panahong iyon. Maiiwan ako sa bahay na ito na isang talunan. Hindi ko maiwasang matakot sa katawa-tawa kong naiisip. Naloloka na nga yata ako sa labis na pagkagusto sa tinedyer kong amo.
Isang hapong galing sa unibersidad si Rashid ay nagtaka ako nang hindi ito umakyat sa itaas para magkulong sa kanyang silid. Sa halip ay pinuntahan ako sa kitchen at kinulit ako na kung maaari ay tingnan daw niya ang itsura ng aking ghorfa o kuwarto.
"Le maza?" Tanong ko.
Wala lang daw. Sige na raw.
(Itutuloy)