^

True Confessions

True Confession ni Nelia, isang domestic helper sa HK: "Lihim na pag-uusap'

- Ronnie M. Halos -
Ika-24 na labas
HINDI maikakaila na ang makahulugang tingin ni Rashid ay nagpapakita ng matinding paghanga sa akin. Alam kong iyon ay dahil mabilis akong matuto ng Arabik. Wala pang anim na buwan ay nakikipagpaligsahan na ako sa kanya. Kayang-kaya ko nang sagutin ko ang kanyang mga tanong. Kahit pa paikut-ikutin ay kaya ko na. Madali lang naman kasing intindihin ang Arabic ang kailangan lamang ay matalas ang pandinig. Tulad din naman ng mabilis nilang (Arabo) pagkatuto sa Filipino. Kaya lamang, kaya nilang sabihin ang Filipino pero hindi nila alam ang kahulugan. Ako, alam kong sabihin at pati kahulugan ay alam ko rin.

Itinuro sa akin ni Rashid ang mahihirap na salita na mabilis kong naintindihan at lalo pa nga siyang humanga.

Hindi ko nga masalubong ang tingin ni Rashid. Ako na ang kusang nagbaba ng tingin sapagkat pakiramdam ko’y hinahalukay niya ang aking pagkatao. Para bang tingin na naghahanap pa ng kasagutan sa maraming tanong.

Ang paglalapit namin ni Rashid ay lihim sa kanyang mga magulang. Kapag nasa bahay sina Mr. and Mrs. Mayman ay hindi kami nag-uusap ni Rashid. Balewala lang. Para bang nagkaisa ang aming isipan ni Rashid na huwag nang ipaalam o ilihim na kung anuman ang aming paglalapit sa isa’t isa. Matalino si Rashid at marahil ay naabot ng isipan na ang pakikipag-usap sa babae (lalo pa nga at sa tulad kong isa lamang maid) ay mahigpit na ipinagbabawal sa kanilang bansa. Haram daw iyon sa Saudi Arabia. Bawal na bawal. Iyon ay sa kabila na wala namang ginagawang masama kundi pakikipag-usap lamang.

Hindi ako kinakausap ni Rashid kapag nasa bahay ang kanyang waled at waledah (ama at ina) at madalas ay nasa kanyang kuwarto sa itaas. Kaya ang nangyayari ay sa paglabas niya sa school sa hapon dakong alas-tres kami nakapagkukuwentuhan. Kapag inaakala namin na darating na ang waled at waledah niya dakong alas-sais ng gabi ay maghihiwalay na kami sa pagkukuwentuhan. May pagkakataon na sa salas na kami ng kanilang bahay nagkukuwentuhan. Kung minsan ipinagyayabang pa ang mga nakuhang grado sa school. Matalino nga sapagkat mataas ang marka niya. Ipinagyabang pa rin sa akin na mahusay siyang football player. Ang football pala ang national game ng Saudi Arabia. (Itutuloy)

ALAM

ARABIK

ARABO

BALEWALA

KAPAG

KAYA

MATALINO

MRS. MAYMAN

RASHID

SAUDI ARABIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with