True Confession ni Nelia, isang DH sa Hong Kong:'Mabilis akong matuto'

(Ika-23-Labas)
NANGYARI ang aking inaasahan. Naging malapit na kami ni Rashid sa isa’t isa. Ganoon man sa kabila ng aming paglalapit wala akong makitang palatandaan na nagkakaroon na siya ng pagnanasa sa akin. Wala akong madama. Sa pakiwari ko ay bata pa nga siya at hindi pa alam ang sikad ng laman o hulagpos ng init. O maaari rin namang nagmamaang-maangan o nagtatanga-tangahan dahil nahihiya pa. Malaki ang aking paniwala na birhen pa si Rashid. Wala pang kamuwang-muwang doon.

Wala nga akong makapang pagkasabik kay Rashid maliban nga sa pagsulyap sa aking dibdib. Mula nang masilip niya ang aking malulusog na dibdib ay naging ugali ko na ang mag-bra. May natitira pa naman akong kaunting kahinhinan. Kahit na nasasabik na ako "roon" ay nakapagtitimpi pa rin naman ako. Kaya ko pang tiisin ang lahat kahit nangungulila. Ang hindi ko masabi ay kung kailan tatagal ang aking pagtitimpi. Hindi ko alam kung hanggang kailan mapipigil ang pagsabog ng bomba sa aking katauhan.

Sa paglalapit namin ni Rashid ay lubusan akong natuto ng Arabik kung kaya makalipas lamang ang anim na buwan ay nakasasagot na ako sa kanya ng tuwid na Arabik. Madali lang naman palang intindihin ang Arabik. Kailangan lamang ay matalas ang pandinig upang mahuli ang tamang bigkas.

"As salam alaikum," tanong ni Rashid.

"Zein shokran,"
sagot ko.

"Ma esmoka?"

"Esmi
Nelia."

"Men ain ant?"

"Ana men Filibin."


Hangang-hanga sa akin si Rashid dahil mabilis akong matuto ng kanilang lengguwahe. Tiningnan niya ako na para bang hinahalukay ang aking pagkatao. Hindi ko kayang salubungin ang kanyang titig. Ako ang nagbaba ng tingin.

(Itutuloy)

Show comments