True Confession ni Nelia, isang DH sa Hong Kong:'Mahusay daw ako"

(Ika-21 labas)
"Maza tarid?"

Ano raw ang gusto ko ayon kay Rashid. Gusto ko nang sabihin na siya ang gusto ko pero nagpigil ako. Sa ganoong pagkakataon ay mayroon pa rin naman akong natitirang hinhin. Kahit na malaki ang aking paghanga sa guwapong Saudi ay hindi ko pa rin nakakalimutan na nasa mahigpit akong bansa at tiyak na kung hindi ako magpipigil ay baka maging maaaga ang aking pag-alis. Isipin pang kung ako na mismo ang magpapakita ng motibo sa isang walang muwang na tinedyer.

"La," sagot ko kay Rashid. Wala akong gusto.

"Hmmm. Ikaw magahling Filibin."

Hindi ko alam kung ako ay binobola lamang o sadyang totoo sa kanyang kalooban ang pagpuri sa akin. Gayunman ay malaking katuwaan ang naghari sa akin. Sa unang pagkakataon ay may pumuri sa akin. Kahit ang aking asawa ay hindi ko natandaang pinuri ako. Gaya ng aking nasabi na ang aking asawa ay wala na yatang pag-asang umunlad pa ang nalalaman palibhasa kasi’y ang laging kausap ay mga kapwa drayber. Isa iyon sa aking ipinagngitngit dahilan nga para pangarapin kong magtrabaho sa Saudi Arabia. Hindi kaya ng aking asawa na mabigyan ako ng maayos na pamumuhay at wala na rin siyang pangarap.

Natutuwa ako kay Rashid sapagkat sa kabila ng kabataan nito ay marunong nang pumuri at magpalakas ng loob sa kapwa. Siguro’y nakita naman niya ang husay kong maglingkod sa kanilang pamilya. Kahit na mabigat ang aking trabaho ay wala akong angal. Tumitigil lamang ako sa paggawa kapag gabi. Nakita marahil ni Rashid ang aking pagsisikap kaya niya nasabing magaling ako.

"Kuwais Filibin," sabi pa nito.

Gusto ko naman siyang halikan dahil sa pagpuri sa akin. Nanggigigil na ako sa tinedyer. (Itutuloy)

Show comments