Nang lapitan ko si Rashid ay bahagyang nagulat. Nagulantang na para bang nahuli ko sa malalim niyang pag-iisip. Nakasalampak si Rashid sa bahaging damuhan at bahagyang napabukaka at nakita ko sa ilalim ng thob ang puting pang-ilalim na alanganing shorts dahil lampas hita iyon. Parang pinaka-brief na yata ng mga Arabo iyon. Nasulyapan ko ang "bukol" sa harapan. Mabilis din namang naitago iyon ni Rashid na parang hiyang-hiya sa pagkakataong iyon.
"Lema za?" tanong na para bang naiinis at siya ay naistorbo.
"Esmah li," sagot ko kahit na hindi alam ang tamang pagkakabigkas. Ang ibig sabihin niyon ay "excuse me." Sa loob ng ilang buwang pamamalagi sa bahay na iyon ay marami na rin akong natutuhan. Nasasanay na ako sa Arabic.
"Maza tarid?"
Ano raw ang gusto ko. Sinagot ko na ibig kong makipagkuwentuhan sa kanya. Sabi ko pa akoy naho-homsik at baka masira ang ulo dahil wala man lamang kausap sa kanilang bahay. Pawang trabaho na lamang.
"Sirah ang uloh Filibin?" tanong na ang pagkakabigkas ay pasigaw.
"Mafi karban," sagot ko. Hindi sira ang ulo ko.
"Ano ka hiloh?" tanong muli. Iyon lagi ang tinatanong niya at kabisadung-kabisado na. Hindi nga lamang tama ang bigkas.
"Hindi ako hilo," sabi ko naman. At naging makulit na ang tinedyer.
"Sira-uloh?" sabi pa uli nito.
Nang tumungo ako para umupo sa tabi niya ay huling-huli ko ang pagtingin niya sa aking dibdib. Sapol niya ang malulusog kong "papaya" na ng mga oras na iyon ay walang takip na bra.
(Itutuloy)