Nang ikuwento sa akin iyon noon ay hindi ako makapaniwala. Ang aking kapitbahay kasi ay hindi naman maganda. Bukod sa maitim ay medyo pandak pa. May ganoon pala na pumapatol sa lalaki at sa ibang lahi pa dahil sa pangungulila. Meron palang hindi napaglalabanan ang sikad ng kamunduhan. At matapang din ang sikmura ng Indonesian sapagkat pumatol sa aking kapitbahay. Ang aking kapitbahay at may asawa at tatlong anak sa Saudi. Makaraang ikuwento sa akin noon ang kanyang "lihim" ay naawa ako sa kanyang asawa. Baldado na kasi ang lalaki at may sakit. Parang wala nang kakayahang makipagniig, isang dahilan marahil na hindi niya mabigyan ng kaligayahang seksuwal ang kanyang misis. Nangulila rin at hinanap ang ligaya sa Saudi. Tinikman ang bawal. Napatunayang ding masarap ang bawal.
Ako ngayon ay nasa kalagayang "nauuhaw". Hindi ko maipaliwanag gayong maikling panahon pa lamang ang aking nailalagi sa piling nina Mr. Mayman. Naghahanap na kaagad ako gayong kayayapak pa lamang sa Saudi. Kakatwa pang ang kapiling ko sa imahinasyon ay isang tinedyer. Masisira yata ang aking katinuan lalo pa nga at sumasalakay ang matinding ginaw. (Itutuloy)