Ako ang nangasiwa at umalalay. Ganoon ako, matulungin sa walang alam. Ha-ha-ha! Sobra nga ang imahinasyon ko. Kakahiya pero iyon talaga ako.
Patuloy ang pangangarap ko at muling gumapang ang lamig na nagpatapang naman sa init na aking nadarama. Ako na nga ang pumaibabaw sa isang walang muwang na nilalang at matapang na iniumang ang airgun. Shoot! Ilang saglit at puputok na subalit hindi pa dahil sa magaling ako at sanay na sa ganoong labanan. Hindi dapat masayang kaagad ang bala ng airgun. Huwag muna.
Saka nang alam kong nasa kasukdulan na ay hinayaan ko nang itapon ang mga bala. Mainit ang buga. Damang-dama. Dumadaklot sa aking pagkatao at nagpapaulol.
Ganyan katayog ang aking imahinasyon at mamamalayan ko na lamang na umaga na pala. Nagisnan kong tumatawag na para magdasal o salah. Naging pahirap sa aking katauhan si Rashid. Mahirap pala ang nag-iimbento lamang nang matatayog sapagkat kapag nagising ay masakit sa puson.
Nag-iipon ng galit at pagkamuhi pero wala akong magagawa kundi ang magpatuloy na gumawa sa pamilyang iyon. Pasasaan bat ang nararamdamang pagkauhaw ay mapapawi. Bubuhos ang masaganang tubig sa aking katawan. (Itutuloy)