^

True Confessions

True Confession ni Nelia isang DH sa Hong Kong"'Darang sa baga" (Ika-14 labas)

- Ronnie M. Halos -
KUNG minsan pa nga’y lumalabis pa roon ang aking pangangarap at hindi ko mapigil ang init ng katawang nakikipaglaban sa kalamigan ng gabi sa Riyadh. Lumalalim ang aking pag-iimagine. Walang makapigil sa malayang pag-iisip. Wala pa ngang karanasan si Rashid. Hindi alam ang gagawin. Walang maibigay. Takot at kung anu-ano ang ginagawa. Parang nagtutok ng airgun sa isang batu-bato sa puno ng kamatchile subalit sumablay. Tutok uli at sablay na naman.

Ako ang nangasiwa at umalalay. Ganoon ako, matulungin sa walang alam. Ha-ha-ha! Sobra nga ang imahinasyon ko. Kakahiya pero iyon talaga ako.

Patuloy ang pangangarap ko at muling gumapang ang lamig na nagpatapang naman sa init na aking nadarama. Ako na nga ang pumaibabaw sa isang walang muwang na nilalang at matapang na iniumang ang airgun. Shoot! Ilang saglit at puputok na subalit hindi pa dahil sa magaling ako at sanay na sa ganoong labanan. Hindi dapat masayang kaagad ang bala ng airgun. Huwag muna.

Saka nang alam kong nasa kasukdulan na ay hinayaan ko nang itapon ang mga bala. Mainit ang buga. Damang-dama. Dumadaklot sa aking pagkatao at nagpapaulol.

Ganyan katayog ang aking imahinasyon at mamamalayan ko na lamang na umaga na pala. Nagisnan kong tumatawag na para magdasal o salah. Naging pahirap sa aking katauhan si Rashid. Mahirap pala ang nag-iimbento lamang nang matatayog sapagkat kapag nagising ay masakit sa puson.

Nag-iipon ng galit at pagkamuhi pero wala akong magagawa kundi ang magpatuloy na gumawa sa pamilyang iyon. Pasasaan ba’t ang nararamdamang pagkauhaw ay mapapawi. Bubuhos ang masaganang tubig sa aking katawan. (Itutuloy)

AKING

BUBUHOS

DAMANG

DUMADAKLOT

GANOON

GANYAN

HUWAG

ILANG

RASHID

WALANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with