Tama ang sinabi ng kapitbahay kong naging DH na rin sa Saudi, na bihira sa mga kabataan sa Saudi Arabia ang nakararanas ng hirap sa buhay. Sila ay ipinanganak na may gintong kutsara sa bibig. Hindi nila alam kung ano ang ibig sabihin ng hirap at pagdarahop. Mayaman kasing bansa ang Saudi Arabia. Walang tax ang mga mamamayan doon at pinag-aaral pa ng libre ang mga bata. Hatid-sundo pa ng school bus.
Nalaman kong Rashid ang pangalan ng anak na tinedyer ni Mr. Mayman. Nalaman ko rin ito kay Mr. Mayman nang utusan ako na tawagin si Rashid na nasa likod-bahay at abala sa bagong biling airgun. Nagmamadali kong tinawag si Rashid. Tinetesting nito ang airgun nang tawagin ko. Marahan kong sinabi na pinatatawag siya ng kanyang ama.
Ngumiti sa akin si Rashid at sinabi, "Shokran. Sahlamat po." Maginoo pala. (Itutuloy)