True Confession ni Nelia,isang DH sa Hong Kong: 'Matamis na ngiti' (Ika-7 labas)
June 8, 2002 | 12:00am
"KEIF HALEK?" Iyon ang tanong sa akin ni Mr. Ibrahim Mayman kinabukasan ng umaga. Kumatok siya sa pinto dakong alas-sais ng umaga. Ako ay matagal nang gising mga alas-kuwatro pa lamang. Hindi ako gaanong nakatulog sapagkat hindi ako sanay sa ginaw. Namamahay din ako. Iniisip ko rin ang mga gawaing kahaharapin ko. Hindi ko alam kung ano ang ugali ng asawa ni Mr. Mayman. Baka mabagsik na kagaya ng mga nasabi sa akin ng kapitbahay na nag-DH din sa Saudi.
Hindi ko alam kung ano ang isasagot kay Mr. Mayman kaya ito na rin ang nagsabi sa Filipino. "Kahmusta kah?" sabing nakatawa. "Mabuti," sagot ko naman.
Pinasunod niya ako sa kanya. Ipakilala raw sa asawa niya. Sumunod ako. Nasa salas na ang kanyang asawa at nakaupo sa sopa. Matabang babae pero maganda. Tipid kung ngumiti. Ipinakikilala ako. Ang pangalan ng babae ay Naomi. Umalis na si Mr. Mayman at naiwan kami ni Mrs. Naomi. Sinabi ni Misis sa akin ang mga gawain. Maglalaba at maglilinis ako ng bahay. Ang pagluluto ay siya na ang gagawa.
Unang sabak ko sa gawain ng araw na iyon ay ibig ko ng sumuko. Tambak ang labahin pero okey lang dahil may washing machine. Hinahango ko sa washing machine ang mga damit ay nakita ko ang tinedyer na anak ni Mr. Mayman. Nakangiti sa akin. (Itutuloy)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended