^

True Confessions

True Confession ni Nelia isang DH sa HK: 'Maraming bawal sa Saudi' (Ika-4 na labas)

- Ronnie M. Halos -
"PALIBHASA’Y nakatuntong din naman ako ng kolehiyo (nakapag-first year ako sa Commerce) kaya hindi ako nahirapang makipag-communicate sa ibang lahing naratnan ko. Kung tutuusin ay mas tuwid pa akong magsalita ng English sa amo kong si Mr. Ibrahim Mayman. Si Mr. Mayman ay may 50-anyos na siguro. Siya ang sumundo sa akin sa King Khalid International Airport nang dumating ako roon noong March 1991. Katatapos lamang noon ng Gulf War.

Nakita ko agad si Mr. Mayman, sa arrival area na may hawak na puting cardboard at nakasulat ang aking pangalan. Nakahinga ako ng maluwag sapagkat sa totoo lang sa eroplano pa lamang ay iniisip ko na kung paano ako makikilala ng aking magiging amo. Kahit na mahigpit ang bilin sa akin ng ahensiya na huwag daw akong aalis sa airport hanggat hindi dumarating ang sundo ay hindi rin maiwasang hindi ako kabahan. Iyon ay kahit na malakas ang aking loob at matapang ang hiya. Inii- sip kong baka hindi ako sunduin ng aking amo. Saan ako matutulog kung sakali.

Napawi nga ang pag-aalala nang makita ko si Mr. Mayman at nakangiti ito ng makita ako. Para bang kilala na rin niya ako.

"Nelia, kahmustah?" tanong sa akin na labis kong ikinabigla sapagkat marunong din palang mag-tagalog. Balbas-sarado si Mr. Mayman at guwapo. Matangos ang ilong.

"Mabuti," sabi ko.

Kinambatan akong sumunod sa kanya. Mula sa nilabasan kong arrival area ay naglakad kami patungo sa parking area. Nag-iisa pala si Mr. Mayman. Pinaupo ako sa gitnang upuan. Ganoon daw ang mga Saudi, laging naka-distansiya sa mga babae. Sabi sa agency na nagpaalis sa akin, bawal daw makipaglapit ang lalaki sa babae lalo kung walang relasyon. Mahigpit na ipinagbabawal.

Nakarating kami sa bahay pagkaraan ng 30 minutes. Malalim na ang gabi kaya dinala muna ako sa isang kuwarto at sinabihan ni Mr. Mayman na bukas na ng umaga ipakikilala sa kanyang asawa. Natutulog na raw kasi.

Bago umalis si Mr. Mayman ay nakita kong sumulyap siya sa aking mayamang dibdib. (Itutuloy)

AKO

BALBAS

GANOON

GULF WAR

INII

ITUTULOY

KING KHALID INTERNATIONAL AIRPORT

MAYMAN

MR. IBRAHIM MAYMAN

MR. MAYMAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with