^

True Confessions

Kuwento ng isang dating drug addict (Huling Labas)

- Ronnie M. Halos -
(Kasaysayan ni Armando P. Ramos ng Santiago City,Isabela)

WALANG kasing sama ang bawal na droga! Ito ang ginagamit ng demonyo para maging halimaw ang lahat. Ito ang pinakamabisa niyang paraan para sirain ang sarili at kinabukasan ninuman. Walang kinabukasan sa droga. Sabi nga, sa droga ang lahat ay talo at walang sinumang nananalo. Kung hindi ako nagbalik-loob sa Diyos, siguro’y asal-halimaw na ako ngayon at wala nang naiisip at nakikita kundi pawang kasamaan. Siguro’y tuyung-tuyo na ang utak ko dahil sa droga at wala nang kawawaan ang aking sinasabi’t kinikilos.

Sa mga nagnanais magbago at kung paano iiwasan ang droga, maraming paraan para ito magawa. Subalit mas madali ang pag-iwas sa salot na droga kung unang hahanapin ang Diyos. Mas matibay at epektibo ang pag-iwas kung nakakapit sa sa kanyang salita. Sa sarili kong karanasan, mas matibay ang kapit sa Diyos ay mas madali ang pag-iwas sa droga. Huwag lamang bibitaw at siguradong durog ang bawal na droga.

Ang karanasan ko sana sa droga ay maging aral sa iba pa at huwag nang hayaan pang siraing tuluyan ng droga. Iwasan sana ito lalo na ng mga kabataan na madalas maghanap ng abentura. Huwag droga ang inyong hanapin at tikman sapagkat masisira lamang ang kinabukasan. Maniwala kayo sa akin. Mas makabubuti kung hahanapin ang Diyos kaysa sa droga.

Ngayon ay maayos na ang aking buhay. Nagtatrabaho ako sa isang kilalang private company bilang Branch Manager. Ako ay 30 years old na sa kasalukuyan at ipinagmamalaki kong lalo pang tumibay ang pananalig ko sa Diyos. Aktibo ako sa aming parokya at naglilingkod sa mga nangangailangan lalo pa at sa isang alipin ng droga.

Purihin ang Diyos at ako ay nagbago sa tulong Niya.
* * *
Susunod: Pagtatapat ng isang domestic helper sa Hong Kong.

AKO

AKTIBO

ARMANDO P

BRANCH MANAGER

DIYOS

DROGA

HONG KONG

HUWAG

SANTIAGO CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with