Kuwento ng isang drug addict 'Ibig kong maging pari' (Ika-13 Labas)
May 30, 2002 | 12:00am
(Kasaysayan ni Armando P. Ramos ng Santiago City, Isabela)
MARAMING beses akong nadapa at bumangong muli dahil sa Diyos. Ipinangako ko na hindi na muling lulusong sa kumunoy ng droga. Mas lalo pa akong naging malapit sa Diyos bagay na marami naman ang nagtaka. Hindi sila makapaniwala na ang isang dating durugista ay magbabago at tatahakin ang malinis na buhay. Ang isang wala nang pag-asang kabataan ay magbabago pa pala.
Ganap akong tumahak sa walang bisyong buhay noong 1992. Kinalimutan ko na ang salot na nagpagiba sa aking katawan at nagpagulo sa isipan. Na naging daan naman para nga isipin ng ilan na sira ang aking katinuan dahil sa biglang pagbabagong iyon. Alam kong iyon ang kanilang iniisip ng aking mga dating kakilala at alam kong pati ang aking mga magulang ay nahihiwagaan din sa iglap kong pagbabago. Hindi ko naman sila masisisi sapagkat, himala na nga lang talaga ang makakapagpabago sa akin noon. Kumbaga, hopeless case na.
Ganoon pa man na naging labis ang pagkalapit ko sa Diyos, dahil sa pag-aaral ng kanyang mga salita at pagtanggap sa kanyang katawan, mayroon pa rin akong hinahanap na hindi ko naman matagpuan kung ano iyon. Ilang ulit kong inisip kung ano ang kulang na iyon subalit hindi ko makita ang sagot. Madalas ko ngang tanungin ang Diyos kung ano pa ang dapat kong gawin upang mapunan ang mga pagkukulang.
Noong 1993 ay isang paring Katoliko ang aking hinanap at nagpatulong para makapasok sa seminaryo. Ibig kong magpari. (Itutuloy)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended