Kuwento ng isang dating drug addict (Ika-10 labas)
May 27, 2002 | 12:00am
(Kasaysayan ni Armando P. Ramos ng Santiago City, Isabela)
TUMATAGOS sa aking pagkatao ang titig ng Panginoong Jesus at nakadama ako ng hindi maipaliwanag na kasiyahang noon ko lamang naranasan. Para bang may kakaibang kapangyarihan na nagsanggalang sa akin upang hindi na muling gawin pa o balikan ang masamang bisyo.
Hanggang sa magising ako. Hindi ako lubos makapaniwala na mapapanaginipan ko ang Panginoong Jesus. Mayroon siyang gustong ipahiwatig sa akin. Alam ko, iyon na ang simula nang aking pagbabalik-loob at pagtalikod sa masamang bisyo. Subalit kahit na napanaginipan ko na si Jesus at nagtatangka na akong kumalas sa barkada at bisyo, marami pa ring pagkakataon na natukso akong tumikim ng droga. Napilit pa rin ako at hindi lang miminsan. Ang pananaig ng demonyo ay napatunayan kong malakas ang pang-aakit at pagpupumilit.
Ngunit gaano man ang lakas ng kasamaan, mas malakas ang kapangyarihan ng Diyos. Gagawa ng paraan upang tuluyang mailayo sa bisyo ang kanyang nilikha.
Hanggang isang gabi na malakas ang aking "tama" dahil sa nilalak na droga na ibinigay ng barkada, isang pinsan kong babae ang nagdaan sa aming bahay. Patungo siya noon sa Bible study niya. Ewan ko kung bakit malakas ang aking loob na sabihin sa kanya ang aking problema. Pinayuhan niyang akong tumawag sa Diyos. Ipagdadasal daw niya ako. Hinikayat niya akong sumama sa Bible study. Hindi ako nahikayat.
Sa ikalawang punta ng aking pinsan ay hindi ko malaman kung bat sumama ako sa kanya para mag-Bible study. Para bang may malakas na puwersang nagtulak sa akin para hanapin ang salita ng Diyos. (Itutuloy)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended