Kuwento ng isang dating drug addict (Ika-9 na labas)
May 26, 2002 | 12:00am
(Kasaysayan ni Armando P. Ramos ng Santiago City,Isabela)
NARAMDAMAN ko na hindi magtatagal at bibigay na ang isip ko dahil sa epekto ng mga drogang nilaklak ko. At ayokong tuluyang masira ang ulo. Kahit na sabog na sabog na, mayroon pa namang tumututol sa kabilang bahagi ng aking utak. Ipinaalala ang makapangyarihang Diyos. Iyon ang aking sinunod upang hindi tuluyang agawin ng demonyo ang aking katinuan.
Huling mga buwan ng 1991 ay lubusan kong hinanap ang Diyos. Matagal na panahong hindi ko Siya naisip sapagkat naagaw ng salot na droga. Isiniksik sa himaymay ng aking utak ang masamang bisyo. Itinulak para gumawa ng kasalanan sa kapwa at saktan ang damdamin ng aking magulang. Hindi ko alam ang salitang paggalang at pagmamahal. Ang tanging nasa isip koy droga. Maligaya ako kapag nakakapag-droga.
Tumawag ako sa Diyos at palagay ko Siya na nga ang aking hinahanap na kulang sa aking buhay.
At lalo pang natiyak ko na ang Diyos ang aking hinahanap at makatutulong sa akin nang isang gabi ay napanaginipan ko ang Panginoong Jesus. Malinaw na malinaw ang aking panaginip sapagkat nakita ko ang Panginoon na nakapako sa krus. Isang eksena sa ika-12 station na umaagos ang kanyang dugo sa mukha, palad, tagiliran, tuhod at paa dahil sa grabeng pahirap na dinanas.
Pinagmasdan kong mabuti si Jesus at napansin ko ang dalawang babae sa kanyang paanan na umiiyak. At mas lalo akong napuno ng kaligayahan nang tingnan ako ng Panginooon. Malamlam ang kanyang mga mata subalit tumatagos sa aking katauhan. Parang may liwanag na tumatama sa aking puso. (Itutuloy)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended