^

True Confessions

Kuwento ng tagumpay ni Ka Asyong (Huling Labas)

- Ronnie M. Halos -
(Kasaysayan ni Ignacio S. Bonifacio ng Novaliches,Quezon City)

MARAMING pinagdaanang hirap si Ka Asyong bago narating ang tagumpay na tinatamasa sa kasalukuyan. Ang mga hirap at pagsubok na iyon ang ginawa niyang hagdan para lalo lamang tumatag at harapin ang mga hamon ng buhay. Kung sumuko si Ka Asyong, hindi marahil niya naabot ang kanyang pangarap at wala siyang maipamamana sa mga anak. Lakas din ng loob ang isa sa mga puhunan ng tagumpay ni Ka Asyong. Kung hindi siya nagkaroon ng lakas ng loob na iwan ang dating trabaho sa Jacinto Steel bilang crane operator at hinarap ang kanyang hardware store, baka karaniwan pa rin siyang empleado na ang sinasahod ay hindi sapat at laging kapos.

Sa pagiging malakas at pagiging positibo ng isipan ni Ka Asyong ay umakma ang mga gintong paalala ng sikat na dayuhang manunulat na si Lloyd George. Sinabi ni George: "H’wag matakot na humakbang nang malaki kung ito ang kinakailangan. Hindi mo matatawid ang malalim na hukay sa dalawang maliliit na paglukso." Hindi natakot si Ka Asyong na humakbang at sumubok at napatunayan niyang iyon ang nararapat kung nais magtagumpay at makawala sa kahirapan.

Ang mga taong hindi marunong sumubok ang kadalasang bigo sa buhay.

Gaya ng nabanggit na sa mga nakaraang serye, ang pagtulong sa mga nangangailangan ay bahagi na ng buhay ni Ka Asyong. Kung may nangangailangan ay dapat tulungan sa abot ng makakaya.

Isa sa kanyang mga anak na lalaki ang gustong magpahatid ng lubos na pasasalamat kay Ka Asyong. Si Ka Asyong daw ang nagbabayad sa lahat ng gastusin ng kanyang misis na si Teresa na nagkaroon ng breast cancer. Sa tulong ni Ka Asyong nakaligtas ang kanyang asawa at ngayo’y patungo na sa paggaling. Una niyang pinasasalamatan ang Diyos at ikalawa ang kanyang mabait na amang si Ka Asyong – walang katulad na ama sa lupa.

Iisa ang payo ni Ka Asyong sa mga taong nagnanais magtagumpay. Panatilihin ang pagiging masipag, matiyaga, dagdagan ang pagtitiis, maging mapagkumbaba sa lahat ng oras, pag-aralang budgetin ang oras at ang mahalaga sa lahat ang pagkakaroon ng regular na komunikasyon sa Diyos. Hingin ang kanyang awa at tulong sa anumang oras.
* * *
Abangan bukas ang true confession ng isang dating drug addict.

ASYONG

DIYOS

IGNACIO S

JACINTO STEEL

KA ASYONG

KANYANG

LLOYD GEORGE

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with