^

True Confessions

Kuwento ng tagumpay ni Ka Asyong (Ika-47 labas)

- Ronnie M. Halos -
(Kasaysayan ni Ignacio S. Bonifacio ng Novaliches,Quezon City)
HINDI nga akalain ni Ka Asyong na ang isang karaniwang mamamayan na tulad niya ay bibigyang-pansin ni dating President Marcos. Ayon kay Ka Asyong nagpunta umano si Marcos sa Novaliches para alamin kung ano na ang development sa lugar ng mga panahong iyon. Sa pagkakatanda ni Ka Asyong, ilang buwan pa lamang ang nakalilipas nang ibaba noon ang martial law.

Manghang-mangha umano si Ka Asyong nang biglang tumigil sa harap ng kanyang tindahan ang isang itim na limousine at bumukas ang bintana at sumungaw ang ulo ng da-ting Presidente. Nagmamadaling lumabas sa tindahan si Ka Asyong at lumapit sa Presidente. Nasa paligid umano ang mga Presidential Security nito. Kinumusta umano siya ng dating Presidente.

"Mabuti naman po Mr. President," sagot daw niya.

"Matrapik pala rito. Napakaliit at sira-sira ang mga kalsada," sabi umano ni Marcos.

Napatangu-tango lamang si Ka Asyong na hindi pa rin makapaniwala na kaharap nga niya ang sikat na sikat noong si Marcos. Napansin ni Ka Asyong na kasama ni Marcos sa loob ng sasakyan ang First Lady na si Imelda. Nahulaan ni Ka Asyong na nakilala siya ni Marcos sa pamamagitan naman ni Ismael Mathay Jr. na noon ay malapit na sa dating Presidente. Hindi niya akalain na matatandaan siya ni Marcos sa pagkakataong iyon.

Kinabukasan ay mas namangha si Ka Asyong nang dumagsa sa kanilang lugar sa Novaliches ang mga makinaryang pang-ayos ng kalsada na kinabibilangan ng grader, mga truck na may lamang buhangin at semento at kung anu-ano pa. Sinimulan ang pag-ayos at pagluluwang sa Quirino Highway na kilalang national road sa Novaliches. Mabilis ang pagtatrabaho at ilang araw lamang ay maayos na maayos na ang kalsada at naging maalwan ang pagbibiyahe.

Kahit na abala sa paglago ng negosyo, hindi naman nawala sa hangarin ni Ka Asyong na magkaroon ng magandang bahagi para mapaunlad ang bayan na kanyang sinilangan. Noong 1994 ay isa siya sa nanguna para ipaglaban ang pagsasarili ng Novaliches. Kasama niya sina Cesar Roque, Artemio Buenaventura, Dr. Ricardo Austria, Virgilio Maximo, Severino Samonte, Atty Severino Ramos, Policarpio Tolentino at Rollie de la Cruz. Subalit ang kanilang ipinaglalaban ay hindi nagtagumpay. No ang nanalo sa ginanap na plebisito. (Itutuloy)

ARTEMIO BUENAVENTURA

ASYONG

ATTY SEVERINO RAMOS

CESAR ROQUE

DR. RICARDO AUSTRIA

FIRST LADY

IGNACIO S

KA ASYONG

NOVALICHES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with