^

True Confessions

Mga kuwento ng tagumpay ni Ka Asyong (Ika-44 labas)

- Ronnie M. Halos -
(Kasaysayan ni Ignacio S.Bonifacio ng Novaliches,Quezon City)

SA ginawa ni Ka Asyong na pagbibigay ng libreng seminar sa mga nagnanais magtayo ng hardware business ay marami ang nagtaas ng kilay at pinagtawanan ang kanyang ginawa. Marami rin ang lihim na naiinis kung bakit naisipan iyon ni Ka Asyong. Isa raw katangahan ang pagtuturo sa iba.

"Pambihira ka rin Ka Asyong," sabi ng isang kakilala niya. "Dapat kapag nakatuklas ka ng negosyo o anumang mapagkakakitaan e hindi dapat itinuturo sa iba. Tiyak na aagawan ka ng mga tinuturuan mo."

Sinabi ni Ka Asyong sa lalaki ang kanyang dahilan kung bakit siya nagbigay ng libreng seminar. Darating ang araw na hindi na niya mapagsisilbihan ang mga kustomer. Dadami ang tao sa Novaliches dahil uunlad at paano mapaglilingkuran kung nag-iisa ang hardware sa lugar.

"Kalokohan ‘yan. Para sa akin hindi dapat itinuro kung paano ang pagtatatag ng negosyong iyan. Darating ang araw na aagawan ka pa ng mga tinuruan mo," sabi pa ng lalaki.

"Hindi. Sa palagay mo ba makakaya nilang kagatin ang nagturo sa kanila."

Napa-tsk-tsk na lamang ang lalaki sa katwiran ni Ka Asyong.

Umunlad ang Novaliches at ang mga tinuruan ni Ka Asyong ay nagsipagtayo rin ng negosyong hardware. Halos magkakatabi pa sila. Katakang-taka sila lahat ay pawang umunlad sa negosyo. Ang kay Ka Asyong na tindahan ay lalo pang lumaki at umunlad.

Nadagdagan pa ang kanyang mga tindahan na sa katagalan ay ibinigay o ipinamana niya sa kanyang limang anak na pawang mga lalaki.

Sinabi ni Ka Asyong na ang kinabukasan ng kanyang mga anak ang naging prayoridad niya. Dahil sa ibinigay niyang mga hardware store sa mga ito, umunlad ang buhay ng mga ito at maalwang naitaguyod ang sari-sariling pamilya. Iyon naman talaga ang pangarap ni Ka Asyong ang maiangat ang buhay ng mga anak. Ayaw niyang ang naranasang kahirapan ay danasin din ng mga ito. Ang kanyang pamilya ang una sa kanya.

(Itutuloy)

ASYONG

AYAW

BONIFACIO

IGNACIO S

KA ASYONG

NOVALICHES

QUEZON CITY

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with