Kuwento ng tagumpay ni Ka Asyong (Ika-38 labas)
May 2, 2002 | 12:00am
(Kasaysayan ni Ignacio S. Bonifacio ng Novaliches,Quezon City)
Nakiusap si Ka Asyong sa mabait na manager ng Jacinto Steel na kung sakali at hindi siya suwertehin sa kanyang pag-alis ay tanggaping muli alang-alang sa kanyang mga anak.
Sinabi ng manager na anumang oras na gustong bumalik ni Ka Asyong ay nakabukas ang pintuan ng kompanya. Sinabi pa ng manager na maganda ang rekord ni Ka Asyong. Masipag, matiyaga, mapagkakatiwalaan at walang dahilan para hindi siya muling tanggapin.
"Salamat po Sir," sabi ni Ka Asyong at nagpaalam na.
"Sana ay suwertehin ka saan ka man pupunta, Asyong."
Umalis na si Ka Asyong matapos kamayan ng mabait na manager.
Nang mag-resign sa Jacinto ay ang maliit niyang hardware ang pinagtuunan niya ng pansin. Katulong sa pag-aasikaso ng hardware ang kanyang masipag na asawang si Liling. Hindi sigurado ni Ka Asyong sa magiging takbo ng kanyang hardware store maaaring malugi ito o umunlad kaya sinabi na niya nang diretsuhan sa manager na tanggapin muli siya.
Subalit sa takbo ng mga pangyayari ay hindi palugi o pabagsak ang kanyang negosyong hardware. Lalo pa ngang lumakas ang benta nang ilipat niya ito sa Novaliches plaza.
Sa Jacinto pa rin siya bumibili ng mga reject na GI sheets, bakal at kung anu-ano pang gamit pangkonstruksiyon.
Bago pa siya nag-resign sa Jacinto ay may anim na buwan nang nakatayo ang kanyang maliit na hardware na una niyang ipinuwesto sa harapan mismo ng planta ng Jacinto. Siya lamang ang kauna-unahang nagkaroon ng hardware sa lugar na iyon.
May tatlong buwan na siyang nakapagre-resign nang isang telegrama ang kanyang matanggap. Nang basahin niya ay galing sa anak ni Don Jacinto na si Mary Rose. Nakasaad sa telegrama na gusto siyang makausap nang masinsinan ni Don Jacinto. Pinapupunta siya sa FGR Building, sa Salcedo Village, Makati City.
Kinabahan si Ka Asyong kung bakit siya ipinatatawag ni Don Jacinto. Bakit pa siya ipatatawag gayong tatlong buwan na siyang resign sa kompanya? May nagawa ba siyang kasalanan? At naisip ni Ka Asyong na baka kaya pinaghihinalaan siyang nagnanakaw ng mga yero at bakal sa planta at saka naman niya itinitinda sa itinatag niyang hardware store. (Itutuloy)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended