^

True Confessions

Kuwento ng tagumpay ni Ka Asyong (Ika- 24 Labas)

- Ronnie M. Halos -
HINDI pumayag si Ka Asyong na operahin ang bahaging malapit sa kanyang ari upang makuha ang kidney stone na grabeng nagpapahirap sa kanya. Malaki ang paniniwala ni Ka Asyong na mailalabas niya ang batong iyon at matatapos ang kalbaryo niya. Nararamdaman ni Ka Asyong na malapit na ang bato sa kanyang ari at iyon ay lalabas kasama ng kanyang ihi. Alam niyang sa tulong ng Diyos ay magagawa niya ang anumang pinakamahirap at malalampasan ang pagsubok na iyon. Iginalang naman ng doktor ang pasya ni Ka Asyong na huwag ipaopera ang bato.

Tatlong araw sa ospital si Ka Asyong. Sa loob ng panahong iyon ay natuto siyang umihi nang nakahiga at nakatagilid. Pinilit niya at tinulungan ang sarili sa kabila na napakahirap ng kalagayan. Umuwi sila ng bahay. Problema rin kasi sa gastos sa ospital at kung tatagal doon ay baka lalo siyang magkasakit sa taas ng babayaran.

Ipinaliwanag ni Ka Asyong, batay sa mga ginawang pagsusuri ng mga doktor sa Chinese General Hospital na marami talaga siyang kidney stones. Ayon kay Ka Asyong, maihahalintulad ang kidney stones niya sa isang gabi (uri ng lamang-ugat). Maraming "anak" ang kanyang kidney stone. Kapag natatanggal ang mga "anak" nagkakaroon ng sakit. Ang itsura umano ng kidney stone ay katulad ng batong panghilod at magaspang.

Habang nasa bahay unti-unting nagkaroon ng pagbabago sa kalagayan ni Ka Asyong, parang himala na patayo na siya kung umihi at hindi katulad nang nasa ospital na nakahiga siya.

Isang hatinggabi, pinuwersa niyang umihi. Ubos-lakas. Nagkaroon naman iyon ng magandang resulta. Lumabas sa wakas ang nagpapahirap sa kanya. Singlaki iyon ng butil ng mani! (Itutuloy)

ALAM

ASYONG

AYON

CHINESE GENERAL HOSPITAL

DIYOS

HABANG

IGINALANG

IPINALIWANAG

ISANG

KA ASYONG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with