^

True Confessions

Kuwento ng tagumpay ni Ka Asyong (Ika-20 labas)

- Ronnie M. Halos -
(Batay sa kasaysasyan ni Ignacio S. Bonifacio ng Novaliches,Quezon City)

Bago pa ang "himalang" nangyari kay Ka Asyong tungkol sa pagkawala ng tatlong butas sa kanyang bituka, isang hindi rin niya malilimutang pangyayari ay nang biglang mawala ang kanyang nunal sa mukha (malapit sa kaliwang mata). Ang nunal ayon kay Ka Asyong ay kasinglaki ng butil ng mais, kulay pula at pakiramdam niya’y patuloy sa paglaki. Bukod doon, napaka-kati umano ng nunal.

Apektado ang araw-araw na pamumuhay ni Ka Asyong dahil sa malaking nunal na iyon. Binigyan siya ng problema at hindi siya mapakali. Lalong lumaki ang kanyang pangamba nang marami na ang nakapansin sa hindi pangkaraniwang laki ng nunal at may nagsabing iyon ay cancerous. Marami ang nagpayo na dapat niya iyong ipaalis agad upang hindi na kumalat kung iyon nga ay totoong cancer. Hindi biro ang hatid na pangamba sa kanya ng pulang nunal.

Madalas niyang tingnan sa salamin ang nunal at pakiramdam niya’y lumalaki pa nga at lalong kumakati. Nangamba rin siya na dahil malapit sa kaliwang mata ang nunal ay baka maapektuhan ito. Baka kumalat doon at siya ay mabulag. Gustuhin man niyang ipaopera ang nunal ay hindi niya magawa dahil sa kakapusan nila noon sa pera. Isang pangkaraniwang crane operator lamang siya noon sa Jacinto Iron Steel Sheets Corp. Naghihikahos pa sila noon na ang suweldo niya ay sapat lamang sa pagkain ng pamilya. Uunahin pa ba niya ang pag-papaopera sa nunal?

Ang problema sa kanyang nunal ay tinaglay ni Ka Asyong hanggang sa kanyang pagtulog. Kung anu-ano ang kanyang napapanaginipan na iniugnay niya sa labis na pag-iisip sa nunal.

Isang gabi ay kakaiba na naman ang kanyang napanaginipan. Galing umano siya sa trabaho isang hapon. Naglalakad lamang umano siya. Nang sumapit sa Novaliches Plaza ay nagtaka umano siya kung bakit hindi niya makita ang tamang daan pauwi. Pakiramdam niya’y nagulo ang kanyang isip dahil kahit na ano ang gawin ay hindi niya maalala kung saan ang tamang daan. Naligaw siya na labis niyang ipinagtataka dahil kabisado niya ang lugar.

Naglakad umano siya nang naglakad. Hanggang sa magulat na lamang siya nang makita sa kanyang dadaanan ang nakaharang na barbed wire. Paano nagkaroon ng barbed wire roon? Pakiramdam niya’y nakulong na siya. Napalibutan na siya ng mga barbed wire. Doon natapos ang kanyang panaginip na ayon sa kanya’y kakaiba sa mga napanaginipan na niya at iniugnay niya sa labis na pag-iisip sa nunal.

Kinaumagahan ay nagulat na lamang ang misis ni Ka Asyong sa nakita sa kanya. Maraming dugo ang kanyang damit. Dugong galing sa nunal! (Itutuloy)

IGNACIO S

ISANG

JACINTO IRON STEEL SHEETS CORP

KA ASYONG

KANYANG

NIYA

NOVALICHES PLAZA

NUNAL

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with