Kuwento ng tagumpay ni Ka Asyong (Ika-19 Labas)
April 13, 2002 | 12:00am
(Batay sa kasaysayang ipinadala ni Ignacio S. Bonifacio ng Novaliches,Quezon City)
Nang pumasok sa kuwarto ni Ka Asyong si Dr. Francisco Tan ay nakangiti na ito na parang may magandang balita sa kanya. Hawak ni Dr. Tan ang isang folder. Gising na noon si Ka Asyong at binabantayan ng isa sa kanyang mga anak. Sa ngiting dala ni Dr. Tan, lalong nabuhay ang pag-asa ni Ka Asyong.
"Magandang balita Mr. Bonifacio," sabi ni Dr. Tan. "Magaling na ang sugat sa iyong mga bituka. Wala na ang tatlong butas nito."
Hindi makapaniwala si Ka Asyong sa sinabi ng doktor. Bagamat positibo siya na ang malubhang sakit na iyon ay malulunasan, mas nakabibigla pala kung maririnig mismo sa bibig ng doktor ang katotohanan na tapos na ang kanyang problema. Sa oras ding iyon, tahimik na umusal ng dalanging pasasalamat si Ka Asyong sa Diyos. Salamat Panginoon ko at tinulungan Mo ako. Ganoon din naman ay ang pasasalamat din sa mga kaluluwa o espiritung tumulong sa kanya. Lalo na sa espiritu ng kanyang namayapang ama na pinaniniwalaan niyang tumulong sa kanya.
Sinabi ng doktor na uulitin ang mga ginawang examination kay Ka Asyong upang makatiyak.
Walang ipinagkaiba sa sumunod na examination. Wala na nga ang tatlong butas sa bituka ni Ka Asyong. Magaling na nga siya. Isang himala ang nangyari sa kanya.
Subalit hindi doon nagtapos ang mga mahihiwagang pangyayari sa buhay ni Ka Asyong. Isang himala rin ang biglang pagkawala ng nunal sa kanyang mukha. Ang nunal ay cancerous at nagbigay sa kanya ng mga alalahanin. Hanggang managinip siya isang gabi. (Itutuloy)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended