^

True Confessions

Kuwento ng tagumpay ni Ka Asyong (Ika-13 Labas)

- Ronnie M. Halos -
(Batay sa kasaysayan ni Ignacio S. Bonifacio ng Novaliches,Q.C.)

Parang binagsakan ng mundo si ka Asyong nang makalipas ang limang taon ay sabihan siya ng kanyang tiyahin na ipagbibili na nito ang 500 metro kuwadradong lupang kinatitirikan ng bahay. Isa lamang ang ibig sabihin niyon, pinaaalis na sila. At gaano na ang nagawa nilang pagpapakahirap sa lupang tinirikan ng bahay. Malinis na iyon at napaganda. Sila ni Liling ang magkatuwang na nagpakahirap doon.

"Pero di ba sabi n’yo sa akin noon e hindi n’yo ako paaalisin," sabi niya sa tiyahin. Na bagamat may kaunting hinanakit e hindi naman niya ipinahalata. Sino ba naman siya para ipamukha iyon e nakikitira lamang siya.

"Ipagbibili ko na kasi ito Asyong," sabi ng tiyahin na marahan din naman ang pagkakasabi.

Hindi na siya nag-usisa pa subalit nagkakaroon na siya ng pagtatanong sa sarili at nauunawaan na may batas na sinusunod hinggil sa bagay na iyon. Ang batas ay nagsasaad na sa tenant dapat unang ialok kung ito ay ipagbibili ng may-ari.

Pinroblema ni Asyong ang pangyayaring iyon. Paano ang kanyang mga naipuhunang pagod at pera sa lupang tinirhan kung basta mawawala na lamang. Marami na silang nagawa – lalo pa nga si Liling na naging masipag at marami nang naitanim sa lupa. Mayroon silang manukan na si Liling ang nag-alaga. Pagkalabas niya ng trabaho sa Jacinto Steel ay walang tigil pa rin ang kanyang paggawa.

Hindi rin niya maiwasang hindi magsisi kung bakit doon pa nakatira. Hindi ba’t naisip na niya iyon noon. Akala kasi niya’y hindi sisira ang tiyahin sa usapan.

Subalit dahil sa madasalin at likas na malakas ang loob, hiniling niya sa kanyang tiyahin na siya ang bibili ng lupang kinatitirikan ng bahay. Iyon ang naisip niyang plano makaraang malaman na desidido ang tiyahin na ipagbili na. At nabalitaan niyang marami na ang nagkakainteres. Tinanong niya sa tiyahin kung magkano nito ipagbibili ang lupa. Walang kagatul-gatol na sinabi ng kanyang tiyahin: "Tatlong piso isang metro kuwadrado."

Kinuwenta niya ang kabuuang halaga. Nasa P1,500! Nang panahong iyon ay napakalaki na ng P1,500. Saan sila kukuha ng halagang iyon? (Itutuloy)

vuukle comment

ASYONG

BATAY

BONIFACIO

IGNACIO S

IPAGBIBILI

IYON

JACINTO STEEL

NIYA

TIYAHIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with