^

True Confessions

Kuwento ng tagumpay ni Ka Asyong (Ika-12 Labas)

- Ronnie M. Halos -
(Batay sa kasaysayan ni Ignacio S. Bonifacio ng Novaliches,Q.C.)

INIUWI ni Ka Asyong si Liling sa Bagbag taglay ang mga bahagi ng bahay na giniba. Hindi niya alam kung saan itatayo. May lupang mamanahin ang kanyang ina subalit hindi pa napaparte sa magkakapatid at sinabi nito na maaaring doon muna itayo ni Asyong ang bahay. Tumanggi si Asyong sapagkat baka maging problema pagdating ng araw dahil hindi pa napaparte. Isang tiyahin niya ang nag-alok sa kanya na sa lupang mamamana nito itayo ang bahay.

"Baka paalisin n’yo ako kapag naparte na ang lupang ito?" tanong niya sa tiyahin.

"Ba’t naman kita paaalisin?"

Nagtiwala siya sa kanyang tiya. Nagkaroon siya ng pag-asa na ang ginibang bahay ay maitatayo at magkakaroon siya ng sarili. Muli niyang itinayo ang bahay. Nang maitayo ay walang ipinagkaiba sa bahay na naitayo niya sa Hacienda Rosario.

Nakadama silang dalawa ni Liling ng kasiyahan at kapanatagan ng kalooban ng matapos ang bahay at maaari nang matirhan. Ang totoo’y marami pang kulang ang bahay. Wala pang panara ang mga bintana at wala pa ring kusina. Subalit malakas ang paniwala ni Ka Asyong na sa pamamagitan ng tiyaga ay makukumpleto niya iyon.

Lalong napuno ng kaligayahan ang buhay ng mag-asawa nang isilang ang panganay na anak. Nagkaroon ng kulay ang kanilang mundo. Lalo pang nagsikap si Ka Asyong at katulong si Liling na ubod ng sipag. May mga alaga silang manok at baboy at katulong niya si Liling. Napakaliksi ni Liling sa pagtatrabaho na pati ang paggawa ng kulungan ng manok ay ginagampanan nito.

Makalipas ang limang taon dumating ang problema: pinaaalis na siya ng tiyahin sa lupang tinitirhan. Para siyang pinagsakluban ng langit. (Itutuloy)

ASYONG

BAGBAG

BAHAY

BATAY

BONIFACIO

HACIENDA ROSARIO

IGNACIO S

ISANG

KA ASYONG

NAGKAROON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with