AGAD kong binawi ang tingin kay Aziza. Tuluy-tuloy ako sa sasakyan at umalis na kami ni Sir Al-Ghamdi patungong airport. Paalam mainit na Araba! Iyon ang huli kong pagkakita kay Aziza.
Kakatwang masaya ako sa pag-uwing iyon sa Pilipinas. Kakaiba sa mga naging pag-uwi ko ilang taon na ang nakalipas. Nadama ko ang malaking pagkukulang sa aking mag-iina. Kahit na hindi ako pumalya sa pagpapadala ng pera, sinurot ako ng konsensiya sa mga nagawa kong kamalian. Tatlong babae sa iisang lugar ang dumaan sa aking kamay. Walang natupad sa pangako ko sa aking asawa na hindi na magiging malikot sa "aparato". Alam kong walang nalalaman ang aking asawa sa ginawa kong panloloko at naniniwala siyang tumupad ako sa pangako sa kanya. Nasabi ko sa aking sarili na sana ngay hindi na malaman ng aking asawa ang lahat. Mas masasaktan siya kung malalaman at baka kung saan humantong baka hiwalayan ako.
"Sanay huwag ka nang mag-Saudi," sabi ng asawa ko ilang araw makaraan akong dumating. "Magtayo na lamang tayo ng tindahan"
"Iyan nga ang balak ko. Ayaw ko nang lumayo sa inyo."
Tuwang-tuwa ang asawa kot anak.
Nagtayo kami ng tindahang sari-sari mula sa natanggap kong pera kay Sir. Pero hindi iyon umunlad dahil tagilid ang ekonomiya. Marami ang umutang sa aming tindahan na hindi namin nasingil kaya wala kaming nagawa kundi isara iyon. Makalipas ang dalawang taon ay ipinasya kong bumalik sa Saudi sa Al-Khobar din. Pero hindi na family driver ang inaplayan ko kundi heavy equipment operator na.
Sa klase ng trabaho ko e wala nang makikitang tsikas na maaaring umakay sa akin sa matatalim na bubog.
Minsan isang Biyernes, kinatuwaan kong pasyalan ang lugar nina Sir Al-Ghamdi. Nagkataong malapit ang lugar nina Sir sa site na aming tinatrabaho. Dala ang truck ay lumigid ako sa bahay nina Sir. Sa gate ng bahay ay nakita ko ang isang babaing naka-abaya at may akay na batang babae. Hindi ako maaaring magkamali, si Aziza ang babaing iyon at nahuhulaan kong anak niya ang akay na bata.
Nang tumingin sa direksiyon ko si Aziza ay mabilis kong pinasibad ang truck. Ayaw ko nang makilala pa niya. Naalala ko ang mga kapilyahan at pagkarebelde ni Aziza. Sa alaala ko na lamang binuhay na minsan ay nakatikim ako ng putaheng Araba kahit kapiranggot at si Aziza namay nakatikim din ng kayumangging hotdog.
Wala na akong balita kay Ellie. Siguroy sinadya na niyang hindi ako sulatan sapagkat alam na niyang hindi ako seryoso. Naisip marahil na walang mangyayari sa relasyong siya lamang ang nagmamahal at ang sa akiy "bogli" lamang.
Ang idinadasal ko ngayon, sanay hindi na ako muling tumapak sa bubog at maging totoo na sa pangako sa aking asawa. Pipilitin ko na sa pagkakataong ito.