^

True Confessions

Yapak Sa Bubog(Ika-157 Labas)

- Ronnie M. Halos -
(Batay sa kasaysayang ipindala ni Ren E. ng Al-Khobar,saudi Arabia)

HINDI na ako nagtaka kung bakit nagagawang makipag-usap ni Aziza sa lalaking "bumili" sa kanya gayong pinag-uusapan pa lamang ang kanilang kasal. Ang isang rebelde at liberated na tulad ni Aziza ay magagawa ang anumang gustuhin. At paano siya tatanggi sa lalaking nakabili sa kanya na kalahi pa niya.

Masaya ang dalawa sa pag-uusap. Walang nakatakip na abaya sa katawan ni Aziza na isang malaking kasalanan sa mga babaing Araba. Kailangang humarap sila sa lalaki na nakatago ang katawan at maski dulo ng kuko ay hindi dapat makita. Naisip kong ang Arabong nakabili kay Aziza ay kabilang na rin sa mga may modernong pananaw na ibig talikuran ang nakasulat na kautusan.

Nasasaktan ako kahit na paano sa nakikitang paglalambingan. Inalis ko ang tingin sa kanila pansamantala at nang muli akong tumingin sa bintana ay wala na roon sina Aziza at ang nakabiling Arabo. Ayaw kong isipin na mayroon na silang ginagawa sa loob ng kuwarto. Maaaring sinisimsim na ng guwapong Arabo ang katas ni Aziza. Maaaring ang ginawa ko kay Aziza ay ginagawa na rin ng Arabo. Napabuntung-hininga ako. Sayang! Ba’t ba hindi ko naipilit ang sarili sa kabirhenan ni Aziza. Ba’t ba nagkasya na lamang ako sa maninipis ay makikipot niyang mga labi?

"Maza tahtaj?" tanong sa akin ni Sir Al-Ghamdi kinabukasan ng umaga nang maramdamang may ibig akong sabihin sa kanya. Patungo kami sa isang branch ng tahian niya.

"Yajeban azhab," sabi ko. (Kailangan ko nang umalis.)

Wala akong nakitang pagkagulat sa mukha ni Sir. Mabilis na tumango. Ayos lang sa kanya kahit na umalis ako sa oras ding iyon. Sinabi kong kinabukasan ako aalis. Mafi muskil daw. No problem. Aayusin daw niya ang exit visa ko. Pati tiket sa eroplano. Ibibigay din daw ang lahat ng pera ko. May bonus pa.

Kinabukasa’y handang-handa na ako sa pag-alis. Si Sir din ang maghahatid sa akin sa airport.

Palabas na ako sa gate nang makita ko sa bintana si Aziza. Nakatingin sa akin. (Tatapusin)

AAYUSIN

AKO

AL-KHOBAR

ARABO

AZIZA

MAAARING

REN E

SI SIR

SIR AL-GHAMDI

SIR. MABILIS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with