^

True Confessions

YAPAK SA BUBOG - (Ika-154 na Labas)

- Ronnie M. Halos -
(Batay sa kasaysayang ipinadala ni Ren E. ng Al-khobar, Saudi Arabia. Ang iba pang pangalan at lugar ay sadyang binago sa pakiusap ni Ren.)

MARAMING beses natikman ni Aziza ang bangis ng kayumangging sundalo. Maliban nga lamang sa totohanang pagpasok ng sundalo sa birheng yungib ng Saudi Arabia, pero nasa bungad na at aywan kung bakit natakot din. Nasiyahan na lamang ang birheng labi ng rebeldeng Arabyana na laruin ang sundalong kayumanggi. Okey na iyon sa kanya. Ipinipilit ng sundalo ang pag-umang sa sandata subalit ayaw talagang pumasok sa kabirhenan ng yungib. Hanggang sa magsawa. Nasiyahan na ako at siya man ay ganoon din. Walang problema at kapwa kami nakararating sa kasukdulan. Lampas pa sa kinaroroonan ng oasis – doon sa katas na nasa kailaliman ng disyerto.

Kung hindi sa kuwarto niya ay madalas sa sasakyang Suburvan. At maski ako ay nagtataka kung paano namin nagagawa iyon nang malinis, mabilis at walang kasabit-sabit. Ang tagumpay niyon ay dahil kay Aziza na gumawa ng paraan para kami magkasarili. Kapag ang babae pala ay rebelde ay mas malikot at gumagana ang isip.

Ang akala ko, wala nang katapusan iyon. Hindi na ako nagkaroon ng takot kahit madiskubre man ni Sir Al-Ghamdi ang lihim. Kahit na ipakulong niya ako kung sakali at mahuli kami ay tatanggapin ko. O kahit na pugutin pa ang aking ulo. Ganoon ako naging katapang matapos mahulog ang kalooban kay Aziza. Nabahiran ng katas ng Arabyana ang aking utak at maski nga ang sarili kong pamilya ay pansamantala kong nalimutan. Para bang na-hipnotismo ako ni Aziza at bahala na kung ano ang mangyari.

Hanggang sa dumating ang sandaling iyon. Gustung-gusto ko na gawin uli sa akin ni Aziza ang bagay na aking kinahiligan at kinahumalingan. Nagparamdam ako. Kailan uli kami "mag-aano". Sabik na ako sa kanya. Walang reaksiyon. Parang walang narinig. Dumaan sa kanang taynga at lumabas sa kabila.

"Maza yadni zalek?"
tanong ko. (Ano ang ibig sabihin ng pag-iwas niya?)

Walang sagot para akong tanga na nagsalita sa isang babaing tuod.

"Qol li,"
sabi ko pa at gusto ko nang mainis sa biglang-biglang pagbabago ng kanyang mood.

Isang linggo pa ang nakalipas at lumala pa ang sitwasyon. Ayaw na niya. Ako ang hindi mapakali. Para bang hindi ko matanggap na basta na lamang mababasura ang ugnayan namin. Hindi ako papayag.

Nang magkaroon ako ng pagkakataon ay inakyat ko ito sa kanyang kuwarto isang gabi. Bahala na. Gusto ko siyang makausap. Hindi ko na inisip ang kapahamakan na maaari kong kasapitan kapag nahuli ni Sir Al-Ghamdi. Sa bintana ako nagdaan. Sa pamamagitan ng hagdan at pagkapit sa matigas at matinik na puno ng bougainvilla ay nakadaan ako sa bintana. (Itutuloy)

AKO

ANO

ARABYANA

AZIZA

HANGGANG

NASIYAHAN

REN E

SAUDI ARABIA

SIR AL-GHAMDI

WALANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with