^

True Confessions

YAPAK SA BUBOG (Ika-152 Labas)

- Ronnie M. Halos -
(Batay sa kasaysayang ipinadala ni Ren E. ng Al-Khobar,Saudi Arabia)

AKO ay natatakot na baka tuluyang umibig at mahulog ang loob kay Aziza at pagkatapos ay saka lamang iiwan. Sa kanya ay okey lamang dahil sa palagay ko nga ay naghahanap lamang siya ng kalayaan at inilalabas ang pagkarebelde sa maraming bawal. Paano naman ako? Sa tingin ko, wala naman siyang nadaramang pag-ibig sa akin. Paghanga siguro meron pero ang pag-ibig, duda ako. Gusto lang niya sigurong maranasan kung paano ang pakikipaglampungan.

Ang sumunod naming pagtatagpo ni Aziza ay nangyari makaraan ang isang linggo. Bagamat naging mapag-obserba at mahigpit na sa akin si Sir Al-Ghamdi bunga nga ng pagkakabuking sa relasyon namin ni Ellie, may pagkakataong kailangang umuwi ako sa bahay at may kunin. Nangyari iyon nang tumirik ang kotse na aming ginagamit sa isang disyerto habang patungo sa kabubukas na branch ng kanyang store. Ayaw mag-start ang kotse. At ang mga Saudi ay mainipin lalo na kung kakalikutin ang sasakyan. Inutusan akong bumalik para kunin ang Suburvan. Nagtaxi ako para kunin ang sasakyan.

Nagkataon na walang pasok noon sa jameah (unibersidad) si Aziza. Ilalabas ko na ang Suburvan ng tawagin ako ni Aziza. Nakadungaw ito sa bintana. Pinapupunta ako sa kuwarto niya. Hindi ko matanggihan ang tawag ng tukso. Mabilis akong umakyat at katulad ng nangyari sa Suburvan ganoon din ang nangyari sa amin. Nadungisan na naman ang kanyang labi ng katas ng ka-machohan. (Itutuloy)

vuukle comment

AKO

AL-KHOBAR

AYAW

AZIZA

BAGAMAT

BATAY

REN E

SAUDI ARABIA

SIR AL-GHAMDI

SUBURVAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with