^

True Confessions

Yapak Sa Bubog (Ika-149 Labas)

- Ronnie M. Halos -
(Batay sa kasaysayang ipinadala ni Ren E. ng Al-Khobar,Saudi Arabia)

SA eksenang iyon ay malikot na lumarawan sa aking isipan na si Aziza ay mahilig sa kending lollipop. Gustung-gusto niya ang lollipop. Siguro sa kabataan niya ay kinahiligan na niya ang lollipop. Hindi ako magtataka sapagkat nasa Saudi Arabia ang mga masasarap na lollipop na kinagigiliwan ng mga bata. Ilang labas-masok ng lollipop sa kanyang bibig at naabot ang sarap.

Makaraan iyon, pakiramdam ko’y isang kakaibang sandstorm ang tumama sa lugar na kinaroroonan namin. Humahaplit. Walang kinatakutan. Tumama sa disyerto at ibinuhos ang lakas upang hukayin ang kailaliman. Lumantad ang oasis at bumukal ang masaganang tubig. Manamis-namis. Nang humupa ang pagngangalit ng bagyong buhangin ay nakabibingi naman ang katahimikang sumunod. Maski ang mga insektong nakadapo sa dates at camachile ay tumigil sa paghuni. Naging pipi makaraang sagasaan ng bagyo.

Maging kami ni Aziza, makaraan ang paghahamok ay nanatiling walang kibo sa loob ng Suburvan. Nakahiga sa kandungan ko si Aziza. Ang kanang kamay ko ay nakasapo sa malusog niyang dibdib. Masarap sa hipo. Kahit madilim, naaninaw ko ang kagandahang hindi tinakpan ng abaya. Nakalantad ang tunay na kaanyuan at mga lihim. Pinahanga ako ng Araba sa husay. Hindi iisiping sa ganoong edad ay mas mahusay pa siya kay Ellie at kay Tet. Para bang ang ginawa niya sa akin ay pinraktis na niya sapagkat sanay na sanay na. Wala akong magawa kundi namnamin ang tamis ng kanyang ginawa. Kahit hindi ganap at malayo pa sa katotohanan, kakaibang kaligayahan na ang dulot sa akin. At gusto ko’y masundan pa iyon. Si Aziza ay naihalintulad ko sa dates na habang kinakain ay lalong masarap lalo na kapag hinog sa puno.

Kumilos si Aziza sa pagkakahiga sa mga hita ko. Ako ay bahagyang nagulantang. Kinapa nito ang abaya. Ako ang dumukwang sa abaya na nahulog sa ilalim ng upuan. Kasamang nadampot ang kapirasong saplot na kulay puti at ang bra. Iniabot ko sa kanya. Unang isinuot ang panty, kasunod ang bra. Saka ang abaya.

"Adraknal waqt,"
sabing pabulong. Wala na raw oras. Kailangan na siyang umalis at baka hinahanap na siya. "Fi amanelah!" (Itutuloy)

vuukle comment

ADRAKNAL

AL-KHOBAR

AZIZA

BATAY

ELLIE

KAHIT

REN E

SAUDI ARABIA

SI AZIZA

WALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with