Yapak Sa Bubog (Ika- 147 Labas)

(Batay sa kasaysayang ipinadala ni Ren E. ng Al-khobar, Saudi Arabia)

KINAIN kami ng dilim sa loob ng Suburvan. Maluwag na maluwag ang Suburvan na para bang sadyang ginawa para makagalaw nang walang sagabal ang mga sasakay. Ang sasakyang ito ang madalas naming dalhin kapag may mga pagtitipong dinadaluhan ang mag-anak. Bagay ang sasakyan sa mga malilikot na batang katulad nina Muhammad. Mas matatag ang sasakyan kumpara sa iba pa. Subok ko na ang Suburvan.

Bahagyang nakaangat ang mga bintana ng sasakyan kaya bahagya kong naririninig ang ingay sa malaking bahay na pinagdarausan ng kasalan. Sumasalit naman ang mga huni ng insekto na nakadapo marahil sa puno ng dates at camachile. Aywan ko kung bakit sa pagkakataong iyon ay hindi ako nakadama ng takot gayong kapiling ko ang magandang amo na ang halimuyak ng katawan ay pumupuno sa Suburvan. Hindi ko kinatakutan na baka makita kami ng nagrorondang pulis o may motawang maligaw doon. Naisip ko, sa layo ng lugar at sa ganoon kalalim na oras ng gabi ay nahihimbing ang mga pulis at humihilik na ang mga motawa. Kung mayroon mang magawi sa kinaroronan ng kinapaparadahang sasakyan, maaari iyon ay Pinoy na iihi. Pero sa tagal nang pagkakaparada ko, wala akong nakitang kababayang driver doon. Sigurado ako na walang makakakita sa amin sapagkat natatakpan ng mga malalabay na sanga ng dates.

"Yoram!"
sabi ni Aziza na bahagya kong ikinagulat. "Ayos o okey" ang ibig niyang sabihin. Walang sagabal. Nadama ko ang init ng katawan ni Aziza sa paghawak niya sa palad ko. Inalis ang abayang nakatabing sa mukha. Naaninag ko sa dilim ang maputing mukha. Nang tumawa ay nakita ko ang mapuputing ngipin. Hinapit ako at nabuwal kami sa upuan ng Suburvan. Pahayok ang pagkakasakmal sa aking bibig. Parang ahas na sumakmal ng nabiktimang daga. Naalala ko nang kagatin niya noon ang aking labi dahil sa panggigigil. Mabango ang hininga ni Aziza. Naihalintulad ko iyon sa hininga ng sanggol na sariwang-sariwa. Kumilos ang kanyang dila at umasta nang pakikipag-eskrima. Tinanggap ng kalabang dila ang hamon at umaatikabong eskrimahan ang nangyari. Hindi tulad noon na nagmamadali, ngayo’y naging banayad ang bawat pagkilos at paglalaro. Hindi ko kayang tanggihan ang magandang Araba. Ganap na ang kanyang pagkadalaga at marami na siyang alam.

Bukod sa pakikipag-eskrimahan, mayroon pa siyang isang alam na labis kong ikinagulat. Masyado na siyang mabangis at mapangahas. Iyon ang karanasang hindi ko malilimutan sa Araba. (Itutuloy)

Show comments