^

True Confessions

YAPAK SA BUBOG - (Ika-146 na Labas)

- Ronnie M. Halos -
(Batay sa kasaysayang ipinadala ni Ren E. ng Al-Khobar, Saudi Arabia)

NAKIKINIG ako ng music sa loob ng Suburvan at natatangay sa ganda niyon na parang ibig akong antukin nang mahagip ng aking tingin ang isang Araba na palinga-linga at parang may hinahanap sa bunton ng maraming sasakyan may ilang metro ang layo sa malaking bahay na pinagdarausan ng kasalan. Hindi ko binigyang-pansin ang Araba dahil maaaring hinahanap nito ang kinapaparadahan ng kanilang sasakyan.

Subalit nagtaka ako nag patungo sa direksiyon ko ang Araba. Habang papalapit ay kinukutuban ako. Kung hindi naka-abaya ay madaling makikilala ang Araba subalit mahirap matukoy kung si Aziza nga. Palinga-linga pa rin ang Araba na para bang inaalam kung may nakakakita sa kanya. Habang papalapit ay kinakain ng dilim ang suot na abaya kaya halos ay hindi siya makita. Nagtataka naman ako sa talas ng tingin ng babae at alam ang direksiyon na aking kinaroroonan.

Nag-aalangan ako na baka hindi si Aziza ang babae at naliligaw lamang o napagkakamalan lamang ang kinaroroonan ko at ng mga sasakyan. Minabuti kong huwag bumaba at lumikha ng ingay. Pinatay ko ang radio at nakiramdam sa palapit na babae. Tumigil ito. Nakiramdam din. Hindi naman ako humihinga pero malakas ang tibok ng puso ko.

"Ren!"
mahina ang tawag subalit malakas ang dating sa akin. Si Aziza nga! "Aina kont?" (Nasaan ka?")

Hindi ko na alam ang gagawin. Natuliro ako. Narito na naman ang isang pakikipagsapalaran. Tiyak isang pagyapak na naman sa bubog ang aking haha- rapin. At mas matu-tulis na bubog marahil.

Marahan kong binuksan ang Suburvan at dahan-dahang lumabas. Sa kadiliman sa aming kinaroroonan, naniniwala akong walang nakakakita sa aking galaw. Mas lalo kay Aziza na ang suot na abaya ay nilalamon ng dilim. Nagtago pa ang buwan ng gabing iyon kaya lalong tumindi ang kadiliman.

Lumapit si Aziza sa kinaroroonan ko. Ibinukas ko nang maluwang ang pintuan ng Suburvan sa unahan subalit tumanggi doon. Sa hulihang upuan daw kami. Ako ay aliping sunud-sunuran sa amo. Nasamyo ko ang manamis-namis na pabango ni Aziza. Nanuot sa aking ilong at tumuloy sa aking kaibuturan. Sumakay si Aziza. Sumunod ako. Isinarado ko ang pinto. Kinain kami ng dilim sa loob. Halos hindi ko siya makita subalit nadarama ko ang init ng katawan niya. Nagliliyab na waring ibig sumambulat.

"Yoram!"
nasambit ni Aziza.

(Itutuloy)

AINA

AKO

AZIZA

HABANG

REN E

SAUDI ARABIA

SI AZIZA

SUBURVAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with