^

True Confessions

Yapak Sa Bubog (Ika-140 Labas)

- Ronnie M. Halos -
(Batay sa kasaysayang ipinadala ni Ren E. ng Al-Khobar, Saudi Arabia)

NAKARINIG kami ng ingay sa gate. Bumukas at may pumasok na kotse. Sina Sir Al-Ghamdi na iyon at maaaring may mga kasamang pulis o motawa. Kinabahan ako. Nang tingnan ko si Ellie ay kalmado ito. Handa nga sa kung anuman ang mangyayari.

Pero mali ang inaakala ko. Walang kasamang pulis o motawa si Sir. Ang kasama niya ay si Mam Noor. Pinuntahan pala sa opisina nito. Hindi ko alam kung ano ang motibo subalit may hinala ako na ikinunsulta ni Sir ang mga nangyari. Sinabi ang mga paninirang-puri ni Ellie. Siguro’y hiningi ang desisyon kung ano ang gagawin.

Lumabas kami ni Ellie sa kuwarto at nagtungo sa kabilang bahay. Naabutan namin ang mag-asawa na nagdidiskusyon sa salas. Maingay si Sir at nang makita ang aming pagpasok ay bahagyang nagbaba ng boses. Ganoon man ay matalim ang tingin kay Ellie. Si Mam naman ay seryoso ang mukha. Nabakas ko ang pag-aalangan sa mukha at pagkuwa’y iniiwas ang tingin kay Ellie. May nabakas akong takot. Maaaring nasabi ni Sir dito ang ipinakitang tapang ni Ellie kanina.

Naunahan ako ng takot na baka ang mga sumunod ay mabibigat pang komprontasyon. Baka magwala na naman si Ellie. Pero nagkamali na naman ako.

Sa pagtataka ko’y humingi ng paumanhin si Ellie sa mag-asawa. Lumapit at nagmakaawa. Umiyak.

"Afwan. Haza khata-i."
(Ipagpaumanhin ninyo at patawarin ako. Kasalanan ko ang lahat.)

Walang kaimik-imik ang mag-asawa. Ang galit sa mukha ni Sir ay nahalinhan ng lambot. Si Mam ay ganoon din. Ang seryosong mukha na may bahid ng pangamba kanina ay nadala ng pagmamakaawa at pag-iyak. Ako ay hindi makakilos sa ginawa ni Ellie na paghingi ng paumanhin. Tapos na nga yata ang problema.

"La ba-as,"
sabi ni Mam na inakbayan si Ellie. "La-tahtama be salek." Huwag na raw mag-alala si Ellie. Kalilimutan na ang lahat na iyon pero kailangang umalis pa rin siya sapagkat baka may gawin si Aziza ay lalong mapasama si Ellie. Baka si Aziza na mismo ang tumawag ng motawa ay mas delikado. Naintindihan ni Ellie ang mag-asawa. Sinabi ng mag-asawa na masakit din sa kanila ang nangyari pero wala silang magagawa.

Kinabukasan ay handa na ang exit visa ni Ellie. Kinagabihan ay paalis na rin siya. Ako at si Sir ang naghatid sa kanya sa airport. Habang hinihintay namin si Sir na matapos sa pagsa-salah (pagdarasal) ay mahigpit ang paalaman namin ni Ellie. Sinigurado ko sa kanya na aalis na rin ako after one week kina Sir. Desidido na ako. Pakikisamahan ko na siya sa Pilipinas. Totoo iyon sa loob ko. (Itutuloy)

AKO

AZIZA

ELLIE

MAM NOOR

PERO

REN E

SAUDI ARABIA

SI MAM

SINA SIR AL-GHAMDI

SIR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with