Yapak Sa Bubog (Ika-135 Labas)
February 28, 2002 | 12:00am
(Batay sa kasaysayang ipinadala ni Ren E. ng Al-Khobar,Saudi Arabia)
"LA ba-as. Haza khata Ellie." sabi ni Aziza.
Huwag daw akong mag-alala sapagkat si Ellie ang may kasalanan ng lahat. Labis ang pagtataka ko sa kanyang mga sinabi. Bat si Ellie lamang?
Ang sumunod pa niyang sinabi ang nakapagpatulig sa akin bagamat iyon ay inaasahan ko na. Mas matindi pala kapag sa bibig na nanggaling.
""Ellie, yajeban azhab al-an," sabi nitong mariin. Kailangan na raw umalis si Ellie dahil sa mga ginawa nito. Pagkaraan niyoy nagmamadali na itong bumaba sa kotse. Nakatingin naman sina Muhammad. Gusto ko pang sanang liwanagin kung bakit subalit hindi ko na nagawa. Tanging si Ellie lamang ang aalis! Naguluhan ako. Hindi ko mapagtagpi-tagpi kung ano ang gustong sabihin ni Aziza.
Habang dina-drive ko ang kotse pauwi ay pinagdugtung-dugtong ko ang mga sinabi ni Aziza. Tapos na ang problema niya kay Ellie. Ito lamang ang may kasalanan at hindi na magtatagal at uuwi na ito.
Nagkaroon ako ng konklusyon na si Ellie lamang ang idiniin nang husto ni Aziza. Dahil matagal nang nag-aaway, nakasilip ng pagkakataon si Aziza at gumawa ng kuwento sa mga magulang. Maaaring sinabi ni Aziza na si Ellie ang gumagawa ng paraan para makapunta sa aking kuwarto. Kung hindi nagpunta sa aking kuwarto si Ellie, hindi mangyayari ang pagsi-sex namin. Hindi ko alam kung ano pa ang mga ikinuwento ni Aziza pero malamang na ganoon ang takbo ng pangyayari. Malamang din na ipinagtanggol ako ni Aziza sa mga magulang. Sinabi na wala akong kasalanan at dapat lamang na si Ellie ang pauwiin. At madaling naniwala sina Sir Al-Ghamdi at Mam Noor.
At akalain ko bang tama nga ang aking mga naiisip. Dumating ako sa bahay at yari na ang pasya ng aming mga amo na pauwiin si Ellie. Kinabukasan din umano ay paliliparin na rin ito. Iyon ang isinalubong sa akin ni Mam Noor. Mas mabuti na raw iyon kaysa sa kulungan pa ang hantungan nito.
At ang kasunod niyon ay ang pagkumbinsi na sa akin ni Ellie na sabay kaming umalis sa bahay na iyon. "Balutin mo na rin ang mga damit mo," sabi sa akin ni Ellie. Namumugto ang mga mata nito.
Hindi ako makapagsalita. Pero ang lahat ay napag-isipan ko na kung paano lulusot sa problema.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended