Yapak Sa Bubog
February 25, 2002 | 12:00am
(Batay sa kasaysayang ipinadala ni Ren E. ng Al-Khobar,Saudi Arabia)
ISINUOT ko ang aking itim na brief nang nakaharap kay Aziza. Bahala na kung ano ang gawin niya. Tutal, nahuli na niya kami at ano pa ang aking katatakutan. Nagpakita na ako ng katapangan. Pinagmasdan ni Aziza ang ginawa ko. Nakatutok sa aking kaselanan. Hanga ako sa Araba sa katapangan nito. Rebelde talaga. Gustong makita ang lahat ng nagpapagulo sa isipan. Kaiba sa mga dalagang Pinay na may pangingimi pa sa kalaswaan at nanatili ang pagkakonserbatibo.
"Yakfi," sabi at kumilos palabas ng kuwarto pero bago tuluyang lumabas iyon ay sinulyapan ng tingin si Ellie. Matalim ang tingin, may pagbabanta. Ewan ko kung nakita ni Ellie ang matalim na tingin ni Aziza. Pagkaraay lumabas na at kinabig nang pabalabag ang pinto. Dinampot ko naman ang aking shorts at isinuot. Si Ellie ay hindi pa kumikilos sa pagkakaupo sa kama. Saka lamang isinuot ang daster at panty nang pinupulot ko na ang pira-pirasong bahagi ng nabasag na pigurin. Itinapon ko sa basurahan.
Natitiyak ko nang makararating kay Sir Al-Ghamdi ang lahat. Kakaiba ang nakita ko sa mukha ni Aziza. Maging sa boses kanina ay may himig na tapos na ang kahangalan namin ni Ellie.
Tumayo si Ellie. Normal na ang anyo ng mukha nito. Dinampot ang suklay sa mesa at sinimulang suklayin ang nagusot na buhok.
"Hindi na ako natatakot. Kung magsumbong man ang bruhang iyon, gawin na niya ngayon!"
Umupo ako sa kama at pinagmasdan si Ellie.
"Kinakabahan ako," sabi ko at dinampot ang t-shirt at isinuot.
"Para kang di lalaki," sabi ni Ellie. "Kanina nga ibinuyangyang mo yang bag at ti mo kay Aziza tapos natatakot ka ngayon."
Nakita pala iyon ni Ellie. Ngayon ko lamang napag-isip-isip na bakit ko nga ba nagawa iyon. Dahil siguro sa nakita kong gusto ni Aziza na mapagmasdan ang aking "itinatago." Ewan ko.
"Kung sisibakin na ako, handa na ako. Huwag mo akong pababayaan. Sabay tayong aalis dito ha?"
Napatango ako. Pero iyon ay laban sa aking kalooban.
Dakong alas-sais ng umaga ay nangyari ang komprontasyon. Isinumbong na nga ni Aziza ang mga nakita. Narinig ko ang pag-uusap ni Sir Al-Ghamdi, Mam Noor at Ellie sa may kitchen. Hinuhugasan ko ang kotse ng mga sandaling iyon. Mataas ang boses ni Mam Noor. Patay na! Saka mula sa aking kinaroroonan, nakita ko sa bintana si Aziza. Naka-abaya. Alam kong nakatingin siya sa akin. Kahit hindi ko nakikita ang mukha, alam kong natutuwa siya sa pangyayari. (Itutuloy)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended