Yapak Sa Bubog (Ika-128 Labas)
February 21, 2002 | 12:00am
(Batay sa kasaysayang ipinadala ni Ren E. ng Al-Khobar,Saudi Arabia. Si Ren ay 10 taon nang nagtatrabaho sa Saudi.Ang iba pang pangalan at lugar ay binago sa pakiusap ni Ren.)
KINABUKASAN ay hindi ako mapakali. Ang nangyari kina Ellie ay Aziza ang nasa aking isip. Habang naghahanda ako sa paghahatid sa magkakapatid patungo sa school ay parang may babagsak na palakol sa aking ulo. Nag-aabang ako sa maaaring gawin o ginawa na ni Aziza. Maaaring pagdating pa lamang kagabi nina Sir Al-Ghamdi at Mam Noor ay isinumbong na ni Aziza ang nangyari sa kanila ni Ellie. At naghahanda na si Sir at Mam nang gagawin kay Ellie.
Habang wina-warmup ko ang kotseng gagamitin, ang problemang iyon ang nagpapagulo sa akin. At ipokrito ako kung hindi ko sasabihin na nag-iisip ako nang ilulusot sakali nga at ibulgar ni Aziza ang ginagawa ni Ellie. Sa pagkakataong iyon ay ililibre ko ang sarili.
Tahimik naman sa loob ng bahay. Naisip ko, kung may naisumbong na si Aziza sa waled at waledah niya, tiyak na kinukumpronta na si Ellie. Pero wala akong marinig na pinagagalitan. Ang naririnig ko ay ang ingay ng washing machine na ginagamit ni Ellie sa likod ng bahay.
Walang palatandaan na nagsumbong si Aziza sapagkat normal ang umagang iyon. Lumabas ng bahay ang magkakapatid. Sumakay sa kotse at pinatakbo ko palabas ng gate patungo sa school. Tinitingnan ko sa salamin si Aziza at alam ko nakatingin din siya sa akin. Kahit na natatakpan ng abaya ang mukha, malakas ang kutob kong bawat kilos ko ay kanyang sinusundan. Pagdating namin sa school ay walang anumang bumaba si Aziza. Hindi ako kinausap at hindi pinisil ang aking daliri gaya ng ginagawa niya dati.
Maski si Sir Al-Ghamdi ay normal din ang mga aktibidad ng araw na iyon. Subsob sa trabaho. Maski sa kotse ay nagkukuwenta at nagrerebisa ng mga gastos at kung anu-ano pa. Ni hindi na nga nagagalaw ang tsay (tea) na iniabot ko. Walang isinumbong si Aziza tungkol kay Ellie.
Kinagabihan, dakong alas-onse ng gabi ay pumasok muli si Ellie sa kuwarto ko. Hinihintay ko rin naman siya ng oras na iyon sapagkat gusto kong malaman kung may sinabi sa kanya sina Sir at Mam. Alam kong ang pagtungo niya sa kuwarto ay para tanungin din naman ako. Bakas ko sa mukha ni Ellie ang tensiyon. Kagabiy ganoon na ang itsura ng mukha niya.
"May sinabi na ba sa iyo si Sir?" tanong ko.
"Wala. Sayo?"
"Wala rin."
Nagkatinginan kami. Bakit kaya hindi nagsumbong si Aziza?
"Baka me binabalak siyang iba at sosorpresahin ako," sabi ni Ellie. (Itutuloy)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
January 21, 2025 - 12:00am