Yapak Sa Bubog (Ika-127 Labas)
February 20, 2002 | 12:00am
(Batay sa kasaysayang ipinadala ni Ren E. ng Al-Khobar,Saudi Arabia.Si Ren ay 10 taon nang nagtatrabaho sa Saudi.Ang iba pang pangalan at lugar ay binago sa pakiusap ni Ren.)
TUMAYO si Ellie mula sa pagkakaupo sa aking kama at lumapit sa akin. Mabigat ang tanong niya na hindi ko agad masagot. Sasama rin daw ba ako sa kanya kapag siya ay pinaalis na ni Sir Al-Ghamdi bunga ng gagawing pagsusumbong ni Aziza.
Marami nang naitulong sa akin si Ellie at hindi ko maaaring biguin sa pagkakataong iyon. Hindi ko kayang saktan kaya nagsinungaling ako sa kanya.
"Siyempre naman. Kapag pinalayas ka, aalis na rin ako rito," sabi kong matigas.
Sapat iyon para yakapin ako ni Ellie. Naramdaman ko ang lusog ng kanyang dibdib dahil sa pagyakap.
"Kasi malakas ang kutob ko na mapapalayas ako rito," sabi pagkaraan.
"Hindi naman siguro," pinalalakas ko ang loob niya.
"Kahit na hindi sabihin, alam kong masama ang loob nila sa akin dahil sa biglaan kong pag-uwi galing Riyadh. Alam kong may itinatagong galit sa akin si Mam Noor dahil nag-alsa balutan ako sa kapatid niya."
Hinimas-himas ko ang kanyang likod. Iyon ay isang paraan upang pakalmahin ang sarili at maalis ang takot sa mga maaaring mangyari sa kinabukasan.
"Pero ngayon na alam kong sasama ka sa akin sa pag-alis sakalit palayasin na nga ako, malakas na ang aking loob. Hindi lang naman sila ang Saudi na nangangailangan ng maid at driver di ba?"
Hindi na ako umimik. Natatakot ako na mangyari ang sinasabi ni Ellie. Baka kapag dumating na ang oras na iyon ay hindi ko matupad ang sinabi sa kanya. Siyemprey si Aziza ang dahilan. Aalis ba ako na hindi nababasag ang kabirhenan ng Araba.
"Kung paaalisin ako rito, mas mabuti yata ay mag-free lancer ako. May alam ako sa Riyadh na ganyan ang ginagawa. Bibili lamang ng visa. Mas malaki pa ang kita dahil sa mga Kano at Briton magpapaalila. Malakas magbigay ng tip. Kokonti pa ang trabaho di katulad dito, na ako lahat ang nagtatrabaho at tapos me amo ka pang malditat malandi na gaya ni Aziza."
Hindi pa rin ako nagsasalita. Si Aziza ang aking naiisip. Kung paalisin si Ellie agad-agad, problema kong malaki. Tiyak na masasaktan ko ang damdamin ni Ellie at baka kung ano ang gawin kapag hindi ako sumama sa kanya.
(Itutuloy)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended