Ang mga sumunod pang tagpo sa aming buhay ay hindi ko malilimutan. Ang paghahangad kong mapitas na ang prutas at namnamin ang sariwang katas ay nagpatuloy. Sa tatlong ulit na pagkakapigil ng aming pagniniig, lalo lamang itong nagbigay ng init sa aking damdamin. Maski nga may tumututol sa aking konsensiya, hindi ko na iyon pinakikinggan. Si Aziza na lamang ang laging laman ng isipan ko. Hindi ako titigil hanggat hindi ko nakukuha ang gusto ko sa kanya. Ganoon na ako ka-desperado. Ako ay nagiging mabangis na hayop kapag nakaamoy ng sariwang karne. Ganoon ako. Kaya nga mahirap para sa akin ang relasyon.
Isang linggo ang lumipas mula nang sabihin ni Aziza na nagkaroon siya ng menstruation ay nakiramdam na ako. Nagbigay na ako ng pahiwatig sa kanya tungkol doon. Nilakasan ko na ang loob kahit alam kong delikado.
"Hal anta fi hala jaiyedah?" (Kumusta na siya.) Ang tanong koy may himig nang pagtatanong sa hindi natuloy naming pagniniig. Isang pagpapaalala kung kailan namin iyon itutuloy.
"Hasanon jedan," (Okey naman ako). Mahina ang pagkakasabi.
Ganoon lang. Nauunawaan ko naman siya. Ang pagnanakaw ng sandali ay hindi madaling gawin. Pero nagbigay siya ng kaseguruhan nang marahan niyang hawakan ang kamay ko. Palihim at baka makita nina Muhammad. Ganap ko ring nakuha ang mensahe na maghintay ako. Siya ang gagawa ng hakbang at ipaubaya ko sa kanya.
Minsan ay nagkaroon kami ng pagkakataon at iyon ay naganap sa loob ng kotse. Isang mabilis na namang tagpo na laging naghahabol at baka may makakita. Si Aziza na naman ang nangahas. Lumipat ito sa unahang upuan at hinubad ang abaya. Sabik na sabik. Dinama ko ang katawan. Marunong na si Aziza. Lumalaban. Subalit hanggang doon lamang iyon. Bitin pa rin ako. Gusto kong maghuramentado. (Itutuloy)